KAHIT anong gawin nating pag-iwas ay malaking isyu pa rin sa darating na eleksyon ang paglutas ng trapiko sa Metro Manila.
Marami ng ang sumubok pero halos lahat sila ay sumuko sa pagbibigay ng solusyon sa problema.
Pero kung susuriing mabuti, hindi lang‘political will’ para malutas ang ganitong mga poblema kundi dapat ay may malikhain ding pag-iisip.
Hindi sa kinakampihan ko si MMDA Ch. Francis Tolentino.
Alam ba ninyo na hanggang ngayon kahit nasaan mang lupalop na lugar si Tolentino ay walang tigil niyang iniisip kung paano masosolusyunan ang matinding pagsisikip ng mga sasakyan sa mga kalsada sa Kamaynilaan, lalo na sa EDSA.
Ang isa kasi sa iniisip niya na maaaring may pag-asang kinakaharap ay ang ‘Trial and Error’.
Style Tolentino ‘yan.
Baguhin at palitan ang hindi uubra, panatilihin ang may mga potensyal.
Aba, mabigat ang pasan-pasan na responsibilidad ni Tolentino lalo na’t hindi naman nababawasan ang pagdami ng mga sasakyan dito.
Sa rami ba naman ng mga sasakyan, kasama na ang mga kakarag-karag na nakikipagsiksikan sa mga lansangan.
Isang“Extra-Challenge” yata ito para kay Ch. Tolentino na kahit papaano ay may naiisp siyang ideya na pwedeng subukan para pakinabangan.
Gaya na lamang ng pinakabagong mungkahi niya na lagyan ng tinatawag na ‘instant flyover’ o modular bridges ang mga kalsada.
Kapag naitayo ang modular bridge na ito siguradong mababawasan ang trapik sa mga pangunahing kalsada gaya ng EDSA-Santolan.
NAMAMAYAGPAG PA RIN ANG LOTTENG
Namamayagpag pa rin ang lotteng ni Boy Edmon na minamantine ni Bong Jose sa Pasay City.
Hindi umaaksyon si Pasay chief-of-police Supt. Joel Doria dahil ba ito sa tongpats?
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

