Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

COMELEC, OMR NA NGAYON?

$
0
0

MAPAGLARO ang isip ng marami nating kababayan. Mapanlikha ng diwa’t kaalaman. Matalino ang mga Pinoy. Gaano man kahirap ang buhay, kadalasan, pinalilipas ito sa paraan na biro ngunit makahulugan.

Wala tayong masabi sa katauhan, katapatan at kahusayang mamuno si Acting Comelec Chair Andy Bautista.

Napatunayan niya ang kanyang pantay at produktibong liderato sa Philippine Commission for Good Government (PCGG).

Pero sa Comelec, mukhang “nilalaro” siya ng mga nadatnan niyang opisyal doon. May impormasyon na mali o kulang.

May mga payo na dapat personal niyang halukayin lalo na sa usapin ng kompyuterisasyon at mga gamit sa eleksyon ng kompyuter.

Mula sa kwestyunableng paggamit ng Comelec ng “Precinct-Count Optical Scanner” o PCOS ng Smartmatic, noon pa man ay pinalagan na natin iyon dahil sa “biglaang” pagkawala ng seguridad katulad ng “source code” at iba pang security features ng kompyuter.

Kaya nang lumutang ang mga “pandaraya” at “mahika” dala ng PCOS, binansagan ito na HOCUS PCOS!

May mga batayan at dokumento ang mga interesadong grupo tungkol sa “hiwaga” dala ng HOCUS PCOS.

Noong 2010, kahit na nakatoka sa isang presinto ang makinang PCOS, hindi pa nagbabato ng resulta ay may nauna na!

Sino ang makalilimot sa natagpuan na halos 50 Hocus PCOS machines sa Antipolo at iba pang lugar?

Papaano napunta sa kanila ang mga iyon na dapat ay nasa sagradong bodega ng Comelec lamang?

Makatwiran nga ang bansag sa Smartmatic HOCUS PCOS.

Ngayon, sa kamay ni Chairman Bautista, muling naglaro ang isip-talino ng mga kababayan natin. Mula sa hokus pcos, pinalitan nina Bautista et al ito bilang Optical Machine Reader o OMR.

Hayun na po, ang hinala na binigyan ng kulay.

Sabi ng bayan, sana hindi totoo na si Andy Bautista ay tao ni presidentiable Mar Roxas. Sana raw ay hindi totoo na kaya siya iniupo ay gagawin siya bilang ES o executive secretary ni Roxas. Bakit nga ba ganyan ang hinala?

Kung noon daw kasi sa kamay ni Sixto Brillantes ay HOCUS PCOS, nanalo ang partido ng Liberal, si PNoy.

Ngayon sa kamay ni Bautista, wala nang hocus PCOS kundi OMR na ang ibig-sabihin ay….OFFICE OF MAR ROXAS?!?

Mga pilyo nga ba? Mga henyo kaya? Mapanlikha o totoo na ang Comelec ay Office ni Mar Roxas (OMR)? Sobrang garapalan na iyan, bayan! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>