ILANG tulog na lang ay halalan na, kaya naman nagkukumahog na sa paghahanda ang mga kampo nina Mar, Grace at Binay.
Sa pinakahuling survey, si Grace pa rin ang una pero stastically pantay lang sila ni Binay, ayon sa mga survey expert.
Si Mar ay nasa 3rd spot na mula sa pagiging kulelat, senyales na lumiliwanag ang pangarap na marating ang Malacañang.
Hindi man nagpahalata, tiyak na nababahala ang mga handlers nina Grace at Binay sa biglang taas na survey ni Mar.
Ang well-organized na makinarya ng Partido Liberal ang dahilan sa pagsirit ng popularidad ng dating DILG secretary.
Slowly but surely, unti-unting naaabot ang itinakdang goal ng kanyang mga handler para sa kandidatura ni Mar.
At ang forecast, sa 1st quarter ng 2016 si Mar na ang number 1 sa survey, ayon kay Caloocan Representative Egay Erice.
Sa tatlong presidentiable, si Mar ang mas qualified dahil sa tatak na malinis at walang bahid na paglilingkod, pahayag niya.
Organisado, ayon kay Erice ang LP political machinery na nagsusulong sa Mar Roxas for president na wala sa mga kalaban.
Kaya ang labanan – makinarya ni Mar versus makinarya nina Grace at Binay.
ALDUB PINAG-AAGAWAN SA POLITICAL ADS
Number 1 si Sen. Sotto sa latest survey sa pagka-senador.
At ang dahilan kaya raw ito nag-topnotcher ay dahil sa sikat na sikat na ALDUB KalyeSerye ng Eat Bulaga.
Dahil phenomenal ang palabas na ito na umabot pa ng mahigit 22-million ang tweets, aba’y maraming politiko ang nais kumuha sa serbisyo nina Alden Richards at Maine Mendoza.
Isang presidentiable na raw ang lumapit na kina Alden at Maine na pumayag na tanggapin ang ‘name your price’ na alok pumayag lamang na sila’y kanyang maging TV endorser.
Ang tanong, eh, papayag kaya sina Tito, Vic and Joey na, bagama’t ‘di inaari ang tagumpay ng ALDUB KalyeSerye, ay siyang mga personahe na nasa likod ng kasikatan ngayon nina Alden at Maine.
Sina Mar at Binay, walang pag-asa, pero baka raw si Grace ay makuha ang serbisyo ng ALDUB. CHOKEPOINT/BONG PADUA