ITO ang ngayong pinagkakaabalahan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa iba’t ibang lugar sa Maynila na kung saan ay ginalugad ang mga kalsada.
Kabilang sa mga lugar na ginalugad ay Ruby St., Granate, Topacio Sts., Zobel Roxas St., Ma. Orosa, ilalim ng Legarda Flyover, Tayuman St., Rizal Ave., Quiricada St., Taft Ave., at Quezon Blvd, Quiapo.
Sinabi ni MTPB Director Carter Don Logica na ang clearing operation ay ginagawa laban sa illegally park vehicles at mga obstruction na pwedeng maging alternatibong daanan ng mga sasakyan.
Ayon pa kay Logica, ang clearing operation ay bilang tulong sa ginagawa ng pamahalaan upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa ilang pangunahing kalsada. Mismo si Logica ang nagmamando sa mga sasakyan upang matiyak niya na mapabilis ang daloy ng mga sasakyan partikular na ang mga public utility vehicle.
Tinukoy rin ni Logica ang panulukan ng Recto at Abad Santos na mismong sa gitna ng kalsada na nagbaba at nagsasakay ang mga PUJ.
Sinabi pa ni Logica ang isa pang nagpapatrapik sa nasabing lugar ay mismo sa gitna ng kalsada na tumatawid ang mga tao ganong may footbridge naman sa lugar.
Ayon pa kay Logica, kailangan na sanayin ang mga driver ng tamang lugar ng ba-baan ng mga pasahero.
Giit pa ng MTPB official, nais lamang nilang sumunod ang lahat ng motorista sa batas trapiko upang maiwasan ang abala at aksidente.
LOTENG NI AGUADO MALAKAS KAY KERNEL
Namamayagpag pa rin ang lotteng ni Len Aguado sa Pasay City.
Hindi hinuhuli ni Pasay City chief-of-police Supt. Joel Doria ang pasugalan ni Len Aguado sa Pasay.
Dahil sa timbre na ibinibigay ni Aguado sa isang alyas Narag na engkargado raw ni kernel.
Alam kaya ito ni kernel?
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA