Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PULIS ANG TAGABIGAY NG TONGPATS NG TITAN Z

$
0
0

MULI nating silipin ang Titan Z Night Club sa Macapagal Ave., Pasay City na pinamumugaran ng mga prostitute na kababaihang Pinay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kumikilos ang pamunuan ng kapulisan ng Southern Police District (SPD) ni Gen. Henry Rañola at Pasay City Police C/Supt. Joel Doria kung bakit hindi nila mapatigil ang lantarang kangkangan (sex) sa loob ng mga VIP room ng nasabing club.

Ang balita kasi, isang pulis na nagngangalang Jigs S. ay ginagamit hanggang ngayon ang pangalan ni nasibak na Philippine National Police Chief Gen. Alan Purisima.

Si Jigs S. ang tumatayo ngayong ‘police-protector’ ng Titan-Z Night Club dahil siya ang tagabigay ng lingguhang intelihensiya ng club sa mga kabaro nitong pulis at sa iba pang mga operatiba na kumukuha ng tong-collection at nagsisilbi rin siya na bodyguard ng magkapatid na Kedjie at hiro Akiba.

Ang pinagtatakhan ko lamang ay kung bakit walang ginagawa ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na pinamumunuan ni Justice Sec. Leila de Lima.

Maging ang pamunuan ni National Bureau of Investigation-Anti-Human Trafficking Division (ATHRAD) chief Atty. Erick Nuque ay hindi rin kumikilos para magsagawa ng mga surveillance laban sa nasabing club.

Kaya tuloy nakapanghihinala na hindi pinoproteksyunan ng NBI ang Titan Z dahil sa isa sa mga pumoproteksyon dito ay isang alyas Agus ng NBI.

PATONG BA SI HEPE SA STL BOOKIES?

Sa lalawigan ng Batangas ay patuloy pa rin daw  ang operasyon ng bookies ng Small Town Lottery ni Kap. Ado sa Brgy. Sta Maria, Sto. Tomas.

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin daw na nagbibingi-bingihan si Sto. Tomas chief-of-police Supt. Noel Nuñez sa lantarang bookies ni kap. Ado sa Sto. Tomas.

Magkano ba, colonel?

***
Anomang reklamo puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>