Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SMUGGLING SA CUSTOMS

$
0
0

TILA ang ilang dekadang smuggling o pagpupuslit ng kontrabando sa Bureau of Customs (BOC) ay patuloy na yumayabong kahit na sino ang nakaupo sa kapangyarihan.

Mukhang ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mga retiradong heneral mula sa pulis at militar na itinalaga sa Customs ay nabigo sa kanilang tungkulin na palakasin ang kinikita ng aduwana.

Si dating Land Transportation Office (LTO) chief Virginia Torres ay napasok din sa kontrobersiya ng smuggling noong Agosto nang maulat na nakipagnegosasyon siya para mailabas ang 64 container vans na puno ng ipinuslit na asukal mula Thailand na nagkakahalaga ng P100-milyon, na kulang sa permiso para maiangkat.

Ang masama pa, ginamit daw ni Torres ang pangalan ni President Aquino na matalik niyang kaibigan at kabarilan, nang makipag-usap siya sa mga opisyal ng Customs.

Ang pangyayaring ito ay posibleng makaapekto mismo kay PNoy at pagsuspetsahan ng mga kritiko na ang kinikita sa smuggling ay gagamitin upang pondohan ang kampanya ng Liberal Party sa darating na halalan.

Kahit na kilalang kaalyado si Torres ng Pangulo, dapat umaksyon ang Malacañang at kasuhan siya ng smuggling, upang maipakita sa lahat na seryoso ito sa pahayag na ang paggamit ng impluwensiya ay hindi kukunsintihin ng administrasyon.

At siyempre, hindi dapat kalimutan ang mga pangalan na madalas lumutang sa mga imbestigasyon ng Senado tulad ni Manny Santos sa smuggling ng bigas, Tina Yu sa pagpupuslit ng plastic resin, at ang magkapatid na Tebes na nakagawa raw ng imperyo nang dahil sa smuggling.

Kung ang gobyerno ay seryoso sa pagsisikap na tuldukan ang laganap na smuggling sa Customs, dapat gamitin nito ang lahat ng kapangyarihan para habulin ang mga tao na sangkot sa iligal na negosyong ito.

Ang smuggling ng bawal na kalakal nang maramihan ay tiyak na mas malaking problema kaysa sa isyu ng balikbayan boxes na pinagkaabalahan kamakailan ng Customs.

Bakit kailangang paraanin sa impiyernong buhay ang ating OFWs sa hangarin nilang makapagpadala ng pasalubong sa kanilang pamilya at mahal sa buhay?

Alalahanin na ang mga regalong ito ay binili na puhunan ang kanilang dugo, pawis at luha sa pagpapakahirap na magtrabaho sa malayong bansa para masuportahan ang pangangailangan ng kani-kanilang mga pamilya.

*              *              *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES