BASTA’T masipag lang at ginagamit ang utak, tiyak na magbubunga ang paghihirap.
‘Yan ang pinatunayan ng imbestigador at intelligence operatives ng Angono police sa lalawigan ng Rizal.
Dahil sa kanilang pagpupursige, nalutas ang pagkamatay ni Marcelo Ong, a.k.a. Ozu, isang maituturing na sensational case na mainit na pinag-usapan sa media.
Sa pamamagitan ng pinagtagpi-tagping impormasyon na binuo ng pulisya ng Angono, Cavite police at R4A intelligence team ay nakilala ang mga pumaslang kay Ong.
Kasong murder ang kinahaharap ni Kristopher Kyle Ernie Cruz, Jaime llano, 34, at Paulo Hernandez, 34, dahil sa pagbaril at pagpatay kay Ong.
Si Ilano, alyas ‘Toto Laki’, na itinuturo ni Cruz na siyang bumaril kay Ong ay hinahanting na ng R4A operatives.
Si Cruz na naunang nadakip dahil sa pagpatay rin sa seaman na si John Agbayani ay umamin na kasama siya sa pagpatay kay Ong.
Bukod sa mga testigo na nagtuturo kay Cruz, nakuha rin ng R4A operatives ang BERSA .45 pistol na ginamit sa pagpatay sa biktima.
Nabawi rin ng pulisya mula sa mga suspek ang ilang kagamitan ni Ong tulad ng ilang ATM, reading glass at kulay itim na Oakley boots.
Dahil sa pagkakalutas sa Ong murder case, hindi maitago ni R4A director C/Supt. Richard Albano ang kanyang kasiyahan sa mga pulis na nagtrabaho.
Bukod sa Angono police, sumaludo si Gen. Albano sa iba pang pulis na naging bahagi ng operasyon para maging ‘closed case’ ang Ong murder.
Kabilang sa pinuri ng butihing heneral ang intelligence team na nakabase sa regional camp sa Laguna at mga Cavite police.
‘Marvelous job’ ang namutawi sa labi ni Gen. Albano nang malamang nalutas na ang Ong murder.
“Dahil sa pagtutulungan, nalutas natin ang pagkamatay ni Ong,” natutuwang pahayag ng tinaguriang ‘Nero Wolfe’ ng PNP.
Partikular na sinaluduhan ang SITG Marcelo Ong sa pangunguna ni S/Supt. Bernabe Balba ng Rizal Provincial Police Office.
Ano nga ba ang ating masasabi kundi malutong na pagbati sa liderato ni Gen. Albano.
Congrats muli, Gen! CHOKEPOINT/BONG PADUA