TRRRRAPIK!
Ito ang sigaw ng mga taga-2nd District sa Maynila dahil sa mga sala-salabat na tricycle at mga nakahambalang sa mga sekondaryang kalsada.
Araw-araw ang bigat ng daloy ng trapiko sa lugar na ito ang nararanasan ng mga pumapasok sa eskuwelahan at mga opisina na hanggang ngayon ay hindi magawan ng paraan ng mga concerned agency ang nasabing problema.
Basahin natin ang nilalaman ng reklamo na bibigyan natin ng espasyo.
Yes, Sir Johnny, good am po. Concerned citizen po ako ng 2nd District of Manila. Nais ko po sana iparating sa concerned agency ang halos araw-araw na bigat ng trapiko sa Tomas Mapua at New Antipolo Sts. na sakop ng Bgy. 209, Zone 19 ng PS-7 Abad Santos.
Alam ninyo, Sir Johnny, napakahirap po na dumaan sa araw-araw na lang na ginawa ng panahon, lalo sa rush hour, dahil ‘yung mga tricycle ay sala-salabat at wala sa ayos na siyang primerong sanhi ng trapiko.
Maging ang kahabaan ng Tayuman na napakakitid na daan ay dinaraanan pa ng mga naglalakihang mga cargo truck at ang walang humpay na paghuhukay ng DPWH at Maynilad na mahabang panahon na nakatengga lang.
Nasaan ang mga concerned agency na mag-aayos nito?
KAPITANG SAKLA NG MUNTINLUPA
Namayagpag pa rin ang puwesto pijo na sakla at saklang-patay na wala namang patay nitong barangay kapitan ng Tunasan, Muntinlupa na si Kap. Walter.
Ang tinding kapitan itong si Kap. Walter dahil sa halip na manguna ito sa pagsugpo sa lumalalang iligal na pasugalan sa kanilang lugar ay siya pa mismo ang promotor.
Palibhasa walang ipinangangahas ang kumag na chairman na ito kundi kapitan siya ng Tunasan.
E, ano kung kapitan del baryo ka ng Tunasan? Kahit maging si kapitan barber o kapitan ng barko ka pa ay huwag mong gamitin ang posisyon mo sa iligal.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA