Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PASUGALAN SA REGION 3, PROTEKTADO NG PNP, MAYORS

$
0
0

NOONG nakalipas na Sabado, Oktubre 3 ng taon na kasalukuyan, nailathala ng pahayagang REMATE sa pamamagitan ng ating column na Lily’s Files ang mga iligal na pasugalan sa likod mismo ng Angeles City Hall kung saan ay nakatayo ang isang carnival.

Ayon kay Ricky Quiros, ang may-ari ng nasabing pasugalan, kahit daw ilang diyaryo, radio at telibisyon ang bumanat sa kanila ay hindi sila kayang tinagin dahil bukod sa nakatimbre sila sa mga mayor ay malaki rin daw ang kanilang binibigay na pera sa pamunuan ng Philippine National Police o PNP.

Katulad nitong si Angeles City Mayor Ed Pamintuan. Alam nang may ilalagay na mga iligal na sugal sa itatayong carnival ay binigyan pa rin ng permit. Bakit? ‘Yan po ang malaking katanungan na si Mayor lang ang makasasagot.

Sinasabing ang taga-areglo raw at taga-ayos ng mga pasugalan sa Region 3 ay itong si Boy Putik, na wala raw pakialam kahit sino pa ang nagrereklamo dahil ang katwiran ng gagong ito ay hindi sila kayang galawin o hulihin ng mga pulis.

Itong si Boy Putik daw ang tagahatid ng pera para sa mga opisyal ng pulis sa Region 3, maging sa Kampo Crame at sa katunayan daw ay sinasaluduhan pa itong si Boy Putik ng mga pulis.

Wowwwwww, bigat mo tsong, ang kapal ng mukha mo. Sino ka para saluduhan ng mga pulis at siyempre pakiramdam mo nasa ulap ka dahil bukod sa sinasaluduhan ka ng mga pulis ay tinatawag ka pang, sir. Naggo-good morning, good afternoon pa sila sa’yo. Astig talaga ang tarantadong ito.

Tsk tsk tsk! Ano kaya ang masasabi rito ng pamunuan ng tuwad na daan?

Ayon sa nagreklamong mga magulang sa Lily’s Files, lalo raw yumabang itong aso ni Ricky Quiros na si Boy Putik at nagsisigaw raw ito na may ilang diyaryo at kolumnista ang kumukuha ng payola sa mga iligal na pasugalan sa buong Region 3.

Hmmmm, mukhang magandang expose ito. Hoy Boy Putik, hinahamon kita na pangalanan mong lahat ang mga diyaryo at mga taga-media na kumokolekta ng payola sa mga ilgal na pasugalan sa buong Region 3.

At kung kumpleto ang bayag mo ay papangalanan mo lahat ng sinasabi mong mga taga-media at diyaryo, ipakita mo ang tapang mo. Sinasaluduhan ka nga ng mga bugok na pulis, ‘di ba Boy Putik?

Attention DILG Sec. Mel Sarmiento, sir, alam kong bago lang kayo sa DILG kaya bulag na bulag pa kayo sa kalakaran ng PNP partikular na ang mga iligal na pasugalan.

Panahon na siguro, Mr. Secretary, na ang lahat ng uri ng iligal na sugal sa buong bansa ay maalis na dahil ilang taon din itong napabayaan ni dating DILG Sec. Mar Roxas.

Alam nating lahat na suntok sa buwan ang pag-alis sa mga iligal na pasugalan pero wala naman sigurong imposible, Mr. DILG Sec. Mel Sarmiento, kung talagang gugustuhin mo, ‘di po ba, sir?

***
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES