Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KABABALAGHAN SA MMDA

$
0
0

MALAPIT na ang Undas kaya hindi nakapagtatakang usong-uso ang pag-aayos ng mga opisina na may temang kababalaghan.

Pero riyan sa Metro Manila Development Authority, ‘di kababalaghan ang ipinakikita sa panahon ng Undas.

Dahil ang pinagkakaabalahang kababalaghan ay ang panghahalihaw ng isang ‘multo’ riyan sa impounding section ng ahensiya.

Tinawag itong ‘multo’ dahil sa pilit na pagtatago ng kanyang kaanyuhan para ‘di mabuking sa ginagawang katarantaduhan.

Mantakin mo, pinasusuka ang towing truck owners ng P50K para ma-renew ang permits sa pagsasagawa ng towing sa Metro Manila.

Pero ika nga, walang sikreto na ‘di nabubunyag, kaya ‘yan ibinuyangyang sa Chokepoint ang kalokohan sa MMDA impounding.

Pero teka, ‘di dapat makatakas sa kaalaman ni OIC Emerson Carlos at Atty. Victor Nuñez ang nangyayari sa MMDA.

Bilang bagong tagapamahala, dapat ay tiyakin ni Carlos na walang nangyayaring kababalaghan sa mga opisina ng ahensiya.

At bilang hepe ng impounding section, aba’y dapat na maging alerto si Nuñez para ‘di mapasok ng anay ang kanyang opisina.

Umalis lang si Francis Tolentino dahil tatakbong senador, eh, kaagad nang umalagwa ang mga korap diyan sa MMDA.

Magmamatyag tayo tungkol sa sinasabing kababalaghan na ito sa MMDA impounding area.

19 WANTED NALAMBAT NG R4A

Muli na namang nagpakitang-gilas ang Region 4-A nang sila’y magsagawa ng raids na naging dahilan ng pagkakalambat ng 19 criminals.

Ayon kay C/Supt. Richard Albano, ang mga nadakip ay wanted sa iba’t ibang kaso, karamihan sa mga ito ay sa salang pagpatay.

Nanguna ang Quezon Provincial Police Office na nagtala ng walong wanted person na inaresto sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Sumunod ang Cavite PPO na pito ang nadakip na kriminal, tatlo ang Batangas PPO at isa ang Laguna PPO.

Sumasaludo tayo sa kapulisan ng R4A at siyempre kay ‘Nero Wolfe’. CHOKEPOINT/BONG PADUA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Lagarto para colorear


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>