Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BAKIT MAY PANGGULO SA HALALAN?

$
0
0

PAYAPA at maayos na nagwakas noong Biyernes ang isang linggong pagpa-file ng “certificates of candidacy” (COCs) sa Commission on Elections (Comelec).

Tulad ng dati ay muling nasilayan ang pagsali ng mga nagnanais kumandidato na kakaiba ang ayos, kasuotan at pati na mga sinasabi na sa simula pa lang ay mahirap nang paniwalaan.

Halimbawa na rito ang nagpakilalang si “Archangel Lucifer” na hangad daw maging pangulo. Mayroon din isang intergalactic earth ambassador umano na gustong maging presidente.

At kung may nagsabing ang nasa likod ng kanyang pagtakbo ay mga nilalang mula sa ibang mundo, may pangkaraniwang tao ring nangako na kung mananalong pangulo ay gagawin niyang estado ng Amerika ang ating bansa.

May mga natuwa, natawa at pinintasan pa nila ang mga ito sa social media sa pagiging “nuisance candidates” umano o panggulo sa halalan.

Pero masisisi ba natin sila? Ayon sa ating Konstitusyon, ang nagnanais maging pangulo ay dapat “natural-born citizen”, rehistradong botante, nakababasa at nakasusulat, edad 40 sa araw ng halalan, at residente ng Pilipinas nang hindi bababa sa 10-taon bago maghalalan.

Obligado ang Comelec na tanggapin ang lahat ng COC ng bawat kandidato, kahit may mga kumukuwestyon sa katinuan ng iba sa mga ito, dahil ang kalusugan ng katawan o kaisipan ay wala sa batayan ng Konstitusyon. Pero hindi ito nangangahulugan na lahat sila ay pwedeng tumakbo.

Ayon sa Omnibus Election Code ay pwedeng kanselahin ng Comelec ang COC kung ang nag-file ay walang tunay na balaking kumandidato; gustong gawing katawa-tawa ang halalan; nais guluhin ang mga botante dahil pareho ang pangalan sa rehistradong kandidato.

Maaari ring ideklara ng Comelec na panggulo ang kandidatong independiyente kung hindi niya mapatutunayang kaya niyang gastusan ang pangangampanya sa buong bansa.

Kung sa simula pa lang ay sinala na ng Comelec ang magpa-file ng COC at malinaw kung sino lang ang tatanggapin ay hindi na sana humaba ang usapan.

Hindi sana nag-aksaya ng oras ang bawat isa at higit sa lahat ay hindi napahiya sa sambayanan ang mga sinasabing panggulo sa halalan, kung saan marami ay “senior citizens” na pero nabastos pa.

Hindi ba panahon na para baguhin ang sistemang ito?

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>