SI Congresswoman Leni Robredo ang ka-tandem ni Mar Roxas na kandidato sa pagka-Pangulo. Natural lang na ang iboboto ni Leni ay si Mar, dalawang kapwa sinasabing sila ay natural-born Filipino citizen.
Bago ang pagtanggap ni Leni sa nomination niya for Vice President, sinabi ni Leni na si Grace Poe, legally adopted child nina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces, ay hindi natural-born Filipino. Hindi rin natural-born si Grace, ayon kay Senior Associate Justice Antonio Tirol Carpio ng Supreme Court.
Sinabi ni Carpio na si Grace ay naturalized Filipino citizen. Si Carpio ay appointed ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Si Carpio at si Gloria ang pangunahing nagbintang na si Fernando Poe, Jr. ay anak ng isang alien at kapwa sila hindi Filipino citizen.
Sa botong 8-5, sinabi ng Supreme Court na si FPJ ay natural-born at may karapatang tumakbo sa pagka-Presidente. Malamang na ma-declare rin ng Korte Suprema na si Grace ay hindi alien.
Sino ba ang mga alien at foreigner ng ating bansa, at sino rin ba ang mga katutubo o native citizens na tinatawag na Indio ng mga Espanyol na kinamkam ang ating mga pulo sa South China sea at Pacific Ocean?
Tandaan ninyo na ang salitang Filipino ay reserved lamang sa mga Espanyol na sumakop sa ating bansa sa ngalan ng hari ng Espanya na si Felipe.
Silang mga Espanyol na ito, na karamihan ay mga Kastila na galing sa Castille, ang naging Spanish Citizen o subject na tinawag ni Haring Felipe na mga Filipino.
All others are considered aliens, including the Indios at pati na mga Chinese resident sa mga isla natin. Pero binago ito nang mag-self-declare ng independence si Emilio Aguinaldo at sinabi niyang ang Pilipinas ay under the protection of the United States of America.
Sinabi rin niyang ang mga nakatira sa Pilipinas, kasama na marahil ang mga may apelyidong Roxas at Robredo, ay mga citizen o mamamayan ng ating bansa. DEEP FRIED/RAUL VALINO
