LANTARAN na animo’y ligal na ligal ang bentahan ng laman (sex) sa night clubs sa Quezon City pero walang ginagawa ang pamunuan ni Quezon City Police District Director Gen. Edgardo Tinio.
Gabi-gabi ay dinarayo ng kalalakihan ang mga night club na ito para pagparausan ng libog: Utopia Disco, Queen Chamber Disco, FHM Disco, Candy Shop, Excess Superclub, Area 05 Super Club, URBN Club, Club Genesis, Hollywood KTV, Eight-Eight Super Club, Anarchy Guess List, Vanity Club Events, Club Anarchy, Hearthbeat KTV, Club 88, Channel KTV at marami pang iba.
Malayang ibinebenta ng mga club owner ang mga babae at Guest Relations Officer (GRos) na nagtatrabaho sa kanilang club sa mga kostumer na nagpupunta rito.
Kinukunsinti kasi ng mga kapulisan ng QCPD ang malalaswang ginagawa sa mga club dito dahil sa ginagawa nila itong ‘gatasan’.
Mantakin ninyo, halos hindi bababa sa 50 mga babae ang gabi-gabing nakikipagtalik sa mga kostumer sa mga VIP room ng mga nabanggit na bahay-aliwan.
Sa halip kasing mag-raid sa mga night club sa QC ay lingguhang intelihensiya ang inaatupag ng mga tauhan ni Gen. Tinio.
Ano kaya masasabi rito ni DILG Sec. Mel Sarmiento?
BOOKIES LANTARAN ‘DI HINUHULI NG PULIS
Lantaran pa rin daw ang operasyon ng bookies ng STL ni Eddie Lara sa Mataas na Kahoy, Lipa City.
Wala pa ring aksyon si chief-of-police S/Insp. Emil Mendoza para ipatigil ang pag-o-operate ng bookies ni E. Lara. Hindi ko lang alam kung may lingguhang timbre itong si S/Insp. Mendoza kay Eddie Lara.
Lantaran kasi ang ginagawang tayaan kahit nakikita na ng mga pulis ay hindi nila ito hinuhuli.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
