Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DEBATE SA KALAMIDAD

$
0
0

ANO-ANO ang inyong mga gagawin sa lumalalang kalagayan ng bansa kaugnay ng pagdating ng mga bagyo at baha o kalamidad gaya ng nangyari sa pagdating ng mga bagyong Yolanda, Ondoy at Lando?

Kung ako ang nasa Commission on Elections, ito ang isa sa mga ihahanda kong dapat pag-usapan sa debate ng mga nagnanais na maging Pangulo at Pangalawang Pangulo sa halalang 2016.

Kung magkakaroon din ng debate ang mga senador, kasama rin ang usaping ito sa dapat nilang talakayin.

Hindi uubra ang usapang basta “Daang Matuwid, May Puso at May Pamilya at kung ano-ano pang gimik sa halalan.”

Wala ring puwang ang basta maging “Makabayan, Makatao, Maka-Diyos, Makamasa at iba pang pautot.”

SANDAMUKAL NA KANDIDATO

Batay sa rekord ng Comelec, may 130 ang kakandidatong pangulo, 19 para sa pagka-pangalawang pangulo at 172 para sa senador.

Para sa pangulo, nangangahulugan ang 130 kandidato na may 130 pananaw kung paano pagsilbihan ang buong sambayanan at kung paano igiya ang buong bansa mula sa kasalukuyan nitong kalagayan tungo sa mas mabuti.

‘Yan ay kung mabuti ang kalagayan nito.

Kung kalagayan nito ay Tuwad na Daan, dapat ituwid ang lahat.

Hehehe!

Ganito rin ang masasabi natin ukol sa vice president na dapat magkaroon ng tungkulin at hindi basta pamalit sa pangulo kung patay, naimbalido ito sa anomang dahilan at nag-resign.

O kaya’y nawawala at hindi matagpuan o tumakas sa takot na makulong sa pagpapairal ng Tuwad na Daan.

Bagama’t paggawa ng batas ang trabaho ng mga senador, dahil sumisingit-singit ang mga ito sa pagka-pangulo at bise presidente, parehong usapin ang isasalang din sa kanila.

BAGYONG BANGUNGOT

Magkakasunod ang mga bagyong nagiging bangungot hanggang sa mga araw na ito.

Naririyan sina Ondoy na pumatay ng halos 400 katao sa Metro Manila at iba pang lugar noong 2009.

Si Pablo na pumatay ng mahigit 1,000 katao noong 2012.

Si Yolanda naman ay pumatay ng nasa 8,000 katao noong Nobyembre 2013.

At nito lang nagdaang mga araw, dumating si Lando na mayroon ding mga napatay at nagpalubog sa malawak na bahagi ng Central Luzon at malawak na bahagi ng Luzon hanggang Aparri, Cagayan; Laoag, Ilocos Norte at Pangasinan.

Ang punto rito, mga Bro, ay hindi mga araw at linggo kundi mga buwan at taon ang binibilang upang makabangon sa kamatayan at kasiraan at iba pang bangungot ang milyon-milyong mamamayan.

Ano-ano nga ang gagawin ng mga gustong maging lider ng bansa upang gawing epektibo na instrument ang pamahalaan sa pagbangon ng mga biktima at ng mahal kong Pinas?

Paano alalayan ng pamahalaan ang mga mamamayan para sa mga pambansang pagbangon tuwing pinipilay at nilulumpo tayo ng mga kalamidad?

KAPABAYAAN AT PULITIKA

Higit na kapabayaan at pamumulitika ang namamayani sa mga pagtugon ng mga nasa pamahalaan tuwing may mga kalamidad.

Ang mga pagkilos ng mga namumuno sa bansa tuwing sila’y tutugon sa mga kalamidad ay laging nakatali sa mga kondisyon ng pulitika.

Ang mga pambansang pondo, halimbawa, ay hindi basta ipinahahawak sa mga halal na opisyal at sa halip ay pinadadaloy sa mga kaalyado ng mga nasa Palasyo.

Pinakahuling, halimbawa, ang naganap sa Yolanda, lalo na sa Tacloban na gusto pag-resaynin ang mayor noon.

Kaya naman, hanggang ngayon, nanatiling iskwater ang libo-libong nawasakan ng mga tahanan at nanatiling kumakalam ang sikmura ng higit na nakararaming biktima.

Ang mga batang mag-aaral na daang libo o milyones ang bilang ay kasamang biktima ng mga pamumulitika at kapabayaan ng mga nasa Palasyo at Kongreso.

PULITIKA NA, PULITIKA PA

Habang palapit nang palapit ang presidential elections sa 2016, ngayon lang nagkukumahog ang mga nasa Palasyo at Kongreso para ayusin o bigyang-ginhawa raw ang mga biktima ng mga kalamidad, partikular ang mga biktima ng Yolanda na umabot sa higit apat na milyong katao.

Bukod sa ito ang pinakasentro ng atensyon ng mundo at sukatan nito ng paninilbihan ng pamahalaang Pilipinas, dito rin gustong ipakita ng kasalukuyang pamahalaan kung paano nito ibabangon ang mga mamamayan.

Saka nito ipagmamalaki kung ano ang nagawa nito para sa mga mamamayang biktima ng mga kalamidad sa “Tamang Panahon”, sa halalan 2016.

Pero anomang pagkilos ng gobyernong tinatakan ang sarili na Daang Matuwid, magiging consuelo de bobo lang ang turing ng mga accomplishment nito sa usaping ito.

Klaro kasing nakita sa nakalipas na tatlong taon kung paano ginawang laman ng pamumulitika at kapabayaan ang mga biktima ng kalamidad.

O debate na!

o0o
Anomang reklamo o puno ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>