SANA ay hindi mangyari ang mga scenario na ito sa darating nating presidential at national elections.
Ang mga scenario na ito’y kathang isip lamang na hango sa pangamba at haka-haka.
Sa isang scenario, si Vice President Jojo Binay ay mahahatulan ng impeachement court at siya’y mahuhusgahan ayon sa mga paratang ng pandarambong.
Sa sumusunod na scenario, si Sen. Grace Poe ay matatalo sa kaso ng citizenship at sasang-ayon naman dito ang Supreme Court.
Dalawa lang ang matitirang kandidato na may matibay na political machinery, si Sen. Miriam Defensor Santiago at si Mar Roxas, apo ni yumaong pangulong Manuel Roxas.
Kung sakaling magkasakit si Senadora Miriam habang tumatakbo sa pagka-Pangulo, tiyak na si Mar Roxas na ang magwawagi.
Ano ang mangyayari kay Sen. Gringo Honasan sa ganitong sitwasyon?
Malamang na matalo si Gringo, o maaari rin siyang masentensiyahan ng pandarambong dahil sa PDAF scam, kasama si Ma’am Janet Napoles.
Si Sen. Chiz Escudero ay kandidato ni Grace sa pagka-vice president, ngunit kaya ba ni Chiz na talunin ang kapwa niya Bikolano na sina Sen. Antonio Trillanes at Cong. Leni Robredo?
Si Mar at si Leni ay namumudmod na ng mga relief item sa mga nasalanta ng bagyo sa Nueva Ecija.
Hindi raw sila nangangampaya, tumutulong lang daw sa mga biktima ng typhoon Lando. Sino naman kaya ang maniniwala sa aksyon nila?
Saan kaya naman galing ang kanilang mga donasyon?
Sa sarili ba nilang mga bulsa o sa kaban ng bayan?
Kung magkasakit si Miriam uli na nagsasabing nanalo na siya sa laban niya sa cancer (stage 4 daw) bilang Pangulo, si Bongbong Marcos na kaya ang susunod nating Pangulo na anak naman ni Pangulong Apo Ferdie Marcos?
‘Yan ay mga scenario lamang na tiyak na magpapabago sa politics sa Pilipinas.
Pero ang sabi ko nga, scenario lamang ito at hindi dapat kabahan sina Binay at si Grace.
Ang dapat kabahan ay si Mar dahil hanggang ngayon ay mahina pa rin ang ratings niya sa mga survey. DEEP FRIED/RAUL VALINO
