“TAPOS na ang renovation at modernisasyon ng Caloocan City Medical Center, Puericulture & Maternity Center at 28 na mga health center. Tapos na rin ang mga lying-in clinic, dialysis center, physical therapy and rehabilitation center,” ito ang pagmamalaking tinuran ni Mayor Oca Malapitan.
Kasunod nito, aniya, ay malapit na ring matapos ang 50-bed capacity na Caloocan City North Medical Center sa Camarin habang natupad naman ang pangako niya na pagkakaroon ng doktor sa bawat barangay.
“Dodoblehin at kung kaya natin ay titriplehin ang bilang ng mga health center para mas higit pa ang serbisyong maipaaabot sa taumbayan,” dagdag pa nito.
Sa kanyang “Ugnayan Sa Komunidad” o pag-alam sa mga suliranin ng mga mamamayan sa mga barangay, kanyang ibinalita na may mahigit 1.2-milyong mamamayan ng lungsod ang natulungan sa pangangalaga ng kalusugan, kabilang na rito ang 700,000 na mga batang nabakunahan, 104,000 na ginamot sa CCMC at 200,000 na nabigyan ng libreng mga gamot.
Masaya ring ibinalita ni Mayor Malapitan na mayroon na ngayong dialysis at cataract operation sa CCMC, physical therapy and rehabilitation sa Puericulture at lahat ng papasok sa CCMC at puericulture na walang PhilHealth card ay awtomatikong bibigyan para makalibre sa gastusin.
Mabuhay ka Mayor, mabuhay rin ang mga opisyales ng lungsod na kahit galing sa iba’t ibang political parties tulad ni Vice Mayor Maca Asistio III at Rep. Edgar ‘Egay’ Erice ay kaisa mo sa pagtupad sa tungkulin upang lalong maging maunlad ang Caloocan at lalo pa’t umaangat na ang buhay ng mga mamamayan nito.
PARTIDO NAVOTEÑO
Solido pa rin at lumalabas na walang katunggali ang team ni re-electionist Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa ilalim ng Partido Navoteño makaraang magkakasabay ang mga ito na mag-file ng kanilang certificate of candidacy sa Commission on Elections sa lungsod.
Bukod sa neophyte na si Alvin Nazal na anak ng dating konsehal na si Bernie Nazal, ang mga kandidato sa District 1 sa pagka-konsehal ay sina incumbent Councilors EJ Arriola, Jack Santiago, Boy Vicencio, Richard San Juan at si Doc Rey Monroy.
Samantala sa District 2 ay sina Councilors Marielle del Rosario, Orlie Castro, Don de Guzman, Steve Naval at si Arnel Lapisan. Running mate ni Mayor JRT sa kanyang second term ay si Vice Mayor Clint Geronimo.
Sa patuloy na pag-unlad ng lungsod ng Navotas dahil sa husay at dedikasyon ni Mayor JRT sampu ng mga lokal na opisyales nito at si Cong. Toby Tiangco na walang pagdududa na siyang nagsimula ng mga programa at proyekto, marahil matagal pa bago mapalitan sa kanilang puwesto ang Tiangco brothers.
Iba na ang magaling at tunay na may puso sa pagserbisyo sa tao lalo na sa mga mahihirap! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO