Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NCRPO TSAMBA TEAM SCORES AND KEEP SCORING

$
0
0

CONGRATULATIONS TO the Tsamba Team of the National Capital Region Police Office. Siyempre, binabati rin natin una ang NCRPO Regional Director, si PC/SUPT. JOEL PAGDILAO, dahil sa pagiging mahusay niyang lider ng pulisya.

Magkakasunod ang tagumpay na trabaho ng NCRPO Regional Anti-Illegal Drugs sa ilalim ni PCI ROBERT RAZON. Hindi biro ang laki ng halaga ng nakumpiska nila na mga iligal na droga, partikular ang shabu sa Metro Manila.

Maski ang tropang media sa police beat ay hindi maiwasan ang humanga sa delikadong pagganap sa tungkulin ng mga opisyal at tauhan ng NCRPO RAID TSAMBA TEAM. Opppss, baka may hindi makaintindi ‘pag tinatawag natin na TSAMBA TEAM ang mga operatiba ng NCRPO, kasama ang Quezon City Police District TSAMBA TEAM.

Kasi po, tuwing makahuhuli sila ng malalaking kriminal, indibidwal o grupong sindikato, sa halip na magyabang ay buong mapagpakumbaba na sinasagot nila ang media ng, “tsamba lang po…” Ganyan kababa ang loob ng mga operatiba ng NCRPO, lalo na sa QCPD. Makikiraan lang sa ibang distrito.

Masipag ang tropang RAID dahil buo ang tiwala ng kanilang Hepe, si General Pagdilao. Iyan naman ang kailangan na ginagawa ng mga hepe.
Ipadama sa kanilang tauhan ang mataas na pagpapahalaga, tiyak, maganda ang bunga ng kanilang mga misyon.

Si Major Robert Razon ang dating hepe the QCPD District Anti-Illegal Drugs Unit. Hindi biro ang trinabaho nila na malalaking sindikato. At huwag din natin ipagkamali na ikumpara sila sa PDEA sapagkat may ugnayan ang dalawang ahensiya sa kanilang mga operasyon.

Nalaman din natin ang komendasyon na ipinaabot ni Chief PNP at Dir. Gen. Ric Marquez sa kanyang mga tauhan. Mahalaga ang ipinakikitang liderato ni Gen. Marquez.

Mula sa Crame tungo sa mga rehiyon, distrito at lalawigan ay personal niyang binabati ang may mga nagagawang maganda ang kanyang mga tauhan.

Larawan ng mahusay at matatag na lider si CPNP Marquez. Bihasa, sanay at malalim ang mga naging misyon ni Hepe mula noong junior officer pa lang siya. Masuwerte tayo na nakakadaupang palad na natin siya noon.
Ang huli, sa Nueva Ecija, Sir?

Sa ngayon, punong abala si Gen. Joel Pagdilao sa paparating na Asia Pacific Economic Conference na gagawin sa Pinas, ngunit on-hand pa rin siya sa pagsugpo ng kriminalidad. A real trooper.

Sa huli, huwag natin iasa lahat sa ating mga pulis ang pagpapanatili ng kapayapaan sa ating komunidad. Tulungan natin sila at maging bahagi ng COMMUNITY TSAMBA TEAM! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>