Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DISQUALIFICATION CASE KAY POE PURO SMEAR CAMPAIGN

$
0
0

HINDI pa man nakapagdedeklara si Sen. Grace Poe na tatakbo ng pagka-presidente ay may mga nakaumang nang kaso na isasampa sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit ganito karumi ang pulitika ngayon sa ating bansa. ‘Yung bang hindi nakukuntento ang isang politikong pulpol kung hindi makapanira ng kanyang kapwa.

Gaya na lamang itong ginagawa nila kay Sen.Poe na dahil sa ‘pulling away’ na sa lahat ng mga naglalabasang survey ay katakot-takot na disqualification case ang isinasampa sa nasabing senadora.

Bakit hindi sila pumarehas ng laban na walang sinisiraan o kinakasuhan na kapwa kandidato?

Ang unang disqualification case na isinampa kay Poe ay ang kuwalipikasyon niya bilang senadora na isinampa sa kanya ng talunang kandidatong si Rizalito David.

Pagkatapos sinundan na naman ng isa pang kaso ng disqualification ng abogadang si Atty. Estrella Elamparo na dating legal counsel ng GSIS at pinakakansela ang Certificate of Candidacy (COC) ni Poe.

Sinundan naman ng Professor na si Antonio Contreras.

Ang matindi pa rito, pati itong si ex-Sen.Francisco ‘Kit’ Tadtad, este, Tatad ay nagsampa rin ng kasong disqualification laban kay Poe na alam naman natin kung kanino siya nakakiling.

Hindi ko sinasabing bata siya ni VP Jejomar Binay. Hehehe.

Ay naku, sino pa kaya ang susunod na magsasampa ng kaso kay Sen. Grace Poe?

Ang kulit ninyo naman, e, sabi naman sa inyo na FILIPINO si Sen. Grace Poe.

Ang pinakamaganda ninyong gawin ay tumahimik kayooooo…

LOTTENG SA BALAYAN, SI HEPE ANG BINABANGGIT

Sa Balayan, Batangas ay namamayagpag ang operasyon ng lotteng nitong si JR na kung saan ay hindi mapatigil.

Palibhasa walang binabanggit si JR kundi may basbas siya ni Balayan cop S/Insp. Ronnie Golfo.

Kaya pala malakas ang loob ni JR na ipalaganap ang lotteng nito dahil sa kadikit niya si S/Insp.Golfo.

Ano kaya ang say ni PNP chief Gen. Ricardo Marquez?

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>