Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

FPJ MOVES USO NGAYON SA TV

$
0
0

MAY katwirang kabahan sina Mar Roxas at Jojo Binay kay Grace, ang anak ni Fernando Poe, Jr. na kandidato rin sa pagka-Presidente.

Walang tigil ang labas sa telebisyon ng mga lumang pelikulang tumabo sa takilya noong panahon ni FPJ. Kayrami ring mga documentary tungkol kay “Da King,” na patunay na hindi pa rin siya laos.

Hit na hit din ngayon ang teleseryeng “Ang Probinsiyano,” na remake ng pelikulang ito ni FPJ.

Mukhang tinalo na ng “Probinsiyano” na pinangungunahan nina Coco Martin, Bela Padilla at Maja Salvador sa Channel 2 ang sikat na SRO nina Doris Bigornia at Alvin Elchico ng Teleradyo na nasa same slot din.

Hindi rin ako magtataka kung bago mag-eleksyon sa isang taon ay ipalabas sa Mindanao nang libre ang mga pelikulang pinagbibidahan ni Fernando Poe, Jr.

Paano kaya kokontrahin nina Roxas at Binay ang pamamayagpag ng mga pelikulang gawa ni “Panday” na ama ni Grace?

Bugbog-sarado na sa mga demandang kinahaharap si Grace mula sa sinasabing mga tauhan ng Liberal Party ni Noynoy Aquino at United Nationalist Alliance ni Jojo Binay.

Katulad ni FPJ na matapos mabugbog-sarado ng mga masasamang tao ay nakababangon muli upang magtagumpay, manalo rin kaya siya sa mga nais tanggalin siya sa pagka-senador at Presidente?

Sa tunay na buhay, natalo si FPJ sa pagka-Pangulo.

Thank you raw sa “Hello, Garci” at nanalo si Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay nakakulong sa Veterans Memorial Hospital.

Ganoon ba kasaklap ang daranasin ni Grace kung sakaling ma-disqualify siya ng Commission on Elections, ng Senate Electoral Tribunal, ng Court of Appeals at ng Supreme Court mismo?

Sinabi ni Mar na wala siyang kinalaman sa mga black propaganda laban kay Grace.

Name names, sabi ni Mar.

Ganoon din naman ang sabi ng kampo ni Binay na nanganganib ding masentensiyahan ng graft and corruption ‘pag nawala na ang kanyang immunity bilang Bise Presidente o Presidente kung siya man ay manalo. DEEP FRIED/RAUL VALINO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>