Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘DI BALE NANG MURA, SUMASABOG NAMAN

$
0
0

SUMUNOD sa wastong pamantayan!

Ito ang panawagan ni Quezon City Fire Marshal F/Supt. Jesus Fernandez sa mga kababayan natin na bibili ng mga tinatawag na Christmas decorative lights ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan.

Sa isang maikling panayam kay Fernandez, ibinulalas niya ang isasagawa nitong inspeksyon sa mga establisyemento na magbebenta ng mga ganitong uri ng pailaw upang ang panahon ng Kapaskuhan ay paliwanagin.

Madalas kasi na pinagmumulan ng sunog sa mga panahon na ito ang mga depektibong X-mas lights na makaraan ang imbestigasyon ay lumalabas na hindi ito dumaan sa wastong pamantayan.

Iginiit ni Fernandez na kanyang ipatutupad ang probisyon ng Republic Act No. 7349 o mas kilala sa tawag na Consumer Act of the Philippines kung saan kasama nila ang Department of Trade and Industry (DTI).

Tsk tsk… ang problema nito ay marami sa ating mga kababayan ang nais makaisa o makalamang sa kapwa sa pamamagitan ng paghahanap ng murang presyo na pailaw.

Lingid sa kanilang kaalaman, akala nila’y nakaisa sila pero ‘yun pala ay sila ang naisahan dahil karamihan sa mga mumurahin na ito ay may libre nang pasabog o paputok para sa Kapaskuhan.

Sir… Supt. Fernandez, ipinapaalam ko sa inyo ang talamak na bentahan ng mga ganitong uri ng pailaw sa mismong mga pabrika na gumagawa o nag-import ng mga pailaw.

Ang tawag nila rito ay ‘Factory Price’ kaya saksakan nang mura, anak ng kagaw. Pero pihadong hindi na ito dadaan sa tamang pamantayan na titiyak sana ng kaligtasan ng sinomang gagamit nito.

Bukod sa mga magbebenta ng pailaw ay tatamaan din kay Supt. Fernandez ang mga magtitinda ng ipinagbabawal na paputok lalo na ‘yung mga tinatawag na ‘guerilla vendors’ na walang business permit.

Ganito sana ang taktika ng mga bumbero hindi ‘yung hihintayin muna na magkasunog bago kikilos tulad na lamang doon sa Valenzuela City na makaraang matusta ang maraming tao ay saka lamang kumilos ang mga kulokoy.

***
Para sa komento o sumbong: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>