LUHAAN. MALUNGKOT. Iyan ang nararamdaman ng milyon-milyong Filipino, kasama ang mga kababayan natin na Migrante at Overseas Filipino Workers.
Ito’y naganap matapos ang pagsusumite ng Certificate of Candidacy sa Commission on Elections.
WALA. Wala ang inaasahan nilang magsusumite ng COC para tumakbong Pangulo sa eleksyong Mayo 2016 – si Davao City Mayor Rodrigo Duterte (DU30) a.k.a. Ka Digong o Ka Rody. Ayaw niyang maging Pangulo ng bansa?
Sa mga panayam sa kanya noon pa man ay ayaw na niya talaga. Nagsabi ng ilang ulit na kung siya raw ay maging Presidente ay baka maubos niya ang mga kriminal sa lahat ng aspeto, kasama na ang mga korap at tiwaling politiko! Ito na ang hudyat.
Kaya naman multi-milyong Filipino ang biglang humanga sa kanya.
Sa kabila ng mga paninira at alegasyon na siya’y isang death squad leader. Siya ay komunista. Siya ay rebelde dahil kaibigan niya ang mga lider ng CPP-NDF-NPA, MILF at MNLF.
Tinira rin siya ilang ulit ng Commission on Human Rights (CHR) dahil daw sa kanyang mala-vigilanteng pagsugpo sa mga kriminal sa Davao City.
Tingnan naman natin ang Davao City ngayon, payapa ang lugar!
Nagsimula ang DUTERTE FOR PRESIDENT MOVEMENT sa ideya ni dating Cotabato governor Manny Pinol na dati rin kasama sa media.
Gusto ni Manny na mabago ang bulok na sistemang pulitikal sa bansa. Gusto niya ang isang matapang na lider na kayang lumaban ng harapan sa masasamang loob at mga korap.
Pero noon pa man, nagsabi na si Duterte na ayaw niyang maging kriminal. Mangyayari iyan ‘pag Pangulo siya!
What now? Duterte has finally put a period into much vaunted push for him to run. That includes even the call of his tough daughter Sarah by shaving her hair to bald.
Even the people followed the shaving but no effect to Ka Digong at all. Pffttt!
Sa huling panayam kay Ka Rodi, sinabi niyang nagalit siya sa kampo ni Liberal Party runner Mar Roxas at nagsabi na hindi raw dapat iboto ng taumbayan. Mapanira ang kampong Roxas at LP, ayon kay Duterte!
Pero matindi ang rehimen ni Don Benigno Aquino III. At all cost talaga ang pagpapatakbo kay Roxas. Kargado na sa pondo ng kanyang nanay, mas kargado sa pondo ng partido at kaban ng bayan.
LP ang nagtulak sa Grace Poe disqualification. LP ang nagtulak sa akusasyon kay VP Jojo Binay. LP ang may pakana ng lahat.
So without Duterte, what now? Can Sen. Miriam Defensor-Santiago be the replacement for him? BALETODO/ED VERZOLA