Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAIHI NG PETROLYO SA BATAAN, PD WALANG AKSYON

$
0
0

NAPAKATAGAL ng panahon at magpasa-hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang milyon-milyong pisong ninanakaw ng sindikato ng paihi at patulo riyan sa Bataan.

Hindi biro-biro ang nawawala araw-araw sa mga kumpanya gaya ng mga produktong petrolyo dahil milyon-milyong piso ang ninanakaw ng mga sindikato ng paihi, kakutsaba ang mga driver at pahinante ng mga oil tanker ng mga naturang kumpanya.

Araw-araw ang operasyon ng paihi o pagsipsip at pagsalin ng mga produktong petrolyo sa mga warehouse ng sindikato mula sa mga oil tanker na nagdedeliber sa mga gasoline station.

Patuloy pa rin ang operasyon ng paihi nina Bogs at Violago na kung saan ay kinakamada nila ang mga pinapaihi nilang langis at krudo sa Bgy. Toyo, Limay, Bataan.

Isang Ch. Jr. Bilasniya ang ‘Hari ng Paihi’ sa Bgy. Alangan, Limay, Bataan. Isang Romy Orion naman ang isang may malaking operasyon ng paihi sa Bgy. Mabato, Orion, Bataan.

Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit tila mga nagbibingi-bingihan ang kapulisan at lokal na gobyerno ng nasabing lalawigan.

Magkano kaya (kung mayroon man) ang tinatanggap ni Bataan PD S/Supt. Rodel Seremonia sa mga sindikato?

BAYAW KASI SIYA NI MAYOR KAYA ASTIG

Sa Padre Garcia, Batangas, ang nagpapatakbo ng bookies ng STL at pasakla sa bayang ‘yan ay ang bayaw umano ni Padre Garcia Mayor Abraham Gutierrez na si Jun Guno. Mayabang ang mamang ito dahil laging may nakasukbit na baril sa baywang nito.

Mukhang hindi pa yata lisensyado ang baril nito, siguro ang ginagamit niyang lisensya ay ang bayaw nitong mayor.

Hindi rin hinuhuli ang mga pasugalan ni Guno dahil si mayor ang laging bukambibig niya sa tuwing siya ay masisita.

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>