Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LAGLAGAN NA, HINDI LANG BALA

$
0
0

NOON pa man ay uso na ang laglagan.

Sa paligid ng Quiapo Church, ang pinakatalamak ay ang gamot na pampalaglag ng mga unwanted sanggol.

Uso rin ang laglagan ng barya sa mga dyip at mga bus na hudyat ng hold-up sa mga kawawang pasahero.

Sa mga sidewalk ng Kamaynilaan, laganap din ang laglagan ng barya na ang mga isnatser ang perpetrator ng krimeng ito.

Maglalaglag ng barya at kapag yumuko ang biktima ay dagling mai-snatch ang kanyang relo o pitaka.

At ngayon, laglag-bala naman ang uso at ang mga biktima ay mga pasahero sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Isang bala ka lang ang mukhang motto ngayon ng mga kriminal.

Kataka-taka at may isang balang basyo na madalas matuklasan sa X-ray machines sa Terminal 2 sa bagahe ng mga biyahero na kadalasan ay overseas Filipino workers.

Ang pinakahuli ay ang balang nakita raw sa hand-carried bag ng isang lolang domestic helper na pabalik na sa Hong Kong.

Ikinulong ng mga pulis ang naturang lola na hindi na agad makauuwi ng Hong Kong habang siya ay may kaso sa Pinas.

Ang balang nakita sa X-ray machine ng Terminal 2 ay hindi katugma ng balang ginawang ebidensiya laban sa umiiyak na lola na nawalan na ng hanapbuhay.

May laglagan din sa pulitika.

Inilaglag ni Ferdinand Marcos si Fernando Lopez na Vice President at agriculture secretary.

Inilaglag din ni Cory Aquino si Doy Laurel na noon ay kanyang Vice President.

Inilaglag din ni Chiz Escudero si Mar Roxas kaya nabuo ang unofficial tandem nina NoyBi o Noynoy at Binay.

May haka-haka ring ilalaglag ni Chiz ang kanyang standard bearer na si Grace Poe in favor of Jojo Binay for President.

Chance meeting lang daw ang pagkikita ni Binay at ni Chiz sa iisang lamesa sa iisang restaurant.

Ilaglag naman kaya ni Binay si Gringo Honasan na kanyang kandidato for Vice President?

Ang accusation noon ni Antonio Trillianes ay nilaglag din siya ni Binay sa Makati siege sa Manila Peninsula. DEEP FRIED/RAUL VALINO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>