Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KORAPSYON PA MORE, HARAKIRI AT DELIKADESA

$
0
0

WALA ba kayong napapansin, mga Bro?

Habang palapit nang palapit ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Noynoy at ng halalang 2016, hindi ba lumalala ang korapsyon, kapabayaan at pagtuwad sa Matuwid na Daan?

Silipin natin ang mga nagaganap.

DRIVER’S LICENSE

Huwag na kayong magtaka kung sa susunod na mga buwan makaraan ang Pasko, eh, hindi kayo makakukuha agad ng driver’s license.

Pinigil kasi ng Manila regional trial court ang pagbili ng Land Transportation Office ng mga computer, printer at iba pang gamit sa paggawa ng driver’s license sa kawalan umano ng budget para rito ngunit nakipagkontrata ang ahensya sa Allcard Plastics Philippines, Inc. ng halagang P336-milyon para rito.

May P2.5M lang na badyet ang LTO para sa capital outlay para sa katulad na mga gamit pero hindi para sa kontrata.

Katwiran ng LTO, na ahensiya ng Department of Transportation and Communications, parang hindi sila bumibili dahil ibibigay naman umano ng kakontrata nila ang nasabing mga kagamitan sa pagtatapos ng kontrata.

May naaamoy ba kayong maantot dito, mga Bro?

PLAKA NG SASAKYAN

Napapansin din ba ninyo na kasinungalingan ang sinasabi ng LTO na madali na lang magkaroon ng plaka ng sasakyan?

Kung inaabot kayo ngayon ng siyam-siyam sa pag-aantay ng plaka, lalong hindi kayo makaaasa ng plaka sa susunod na mga buwan.

Bakit? Anak ng tokwa, itinigil ng dayuhang kumpanyang galing sa The Netherlands ang paggawa at pagdedeliber ng mga plaka dahil hindi umano sila binabayaran ng gobyerno ng Pilipinas.

Limang-taong kontrata ang paggawa ng plaka na nagkakahalaga naman ng P3.5-bilyon.

Ang Commission on Audit ang nagbuking na wala umanong kakayahang gumawa ang dayuhang kumpanya at pakner nitong lokal na kumpanya na kinontrata ng LTO at gobyerno para sa paggawa ng plaka.

May paborableng desisyon ang Korte Suprema pero nagdududa ang dayuhang kompanya sa hindi pagbabayad sa kanila ang pamahalaan.

Sabi tuloy ng European Chamber of Commerce and Industry, ‘it’s no fun doing business in the Philippines’ at bantulot na silang magpuhunan sa mahal kong Pinas.

Maantot na maantot ang kontrata, hindi kaya, mga Bro?

BULOK NA MRT-3

Nasa Office of the Ombudsman na ang kaso ng iskam sa kontrata sa maintenance ng MRT-3 na nasa ilalim pa rin ng DOTC.

Umiiyak ang mga pipitsuging opisyal at empleyadong isinangkot sa kaso dahil hindi isinama ang mga diyos sa kontrata at sila lang ang kinasuhan at maaaring mabilanggo nang habambuhay…kung mapatutunayang may malaking iskam nga sa kontrata.

Isinama ang mga diyos ng mga imbestigador pero may sariling katwiran ang Ombudsman kung bakit naging malinis umano ang kamay ng mga diyos sa kontrata.

Habang napakabagal na tumatakbo ang kaso sa Ombudsman, napakabagal din ang takbo ng MRT-3 baka umano madiskaril gaya ng nangyari sa Pasay noon at habang inaayos umano ang lahat, kabilang na ang pagkakaroon ng mga bagong bagon.

Patuloy naman ang pila pa more at kaba ng mga sumasakay ng LRT sa posibleng disgrasya.

Iniwanan ang problema ng isang politikong humihiyaw ng Matuwid na Daan tungo sa halalang 2016 sa isang opisyal ngunit tila wala ring nagagawang paraan ang opisyal pinagmanahan ng posisyon.

TANIM-BALA

Under pa rin ng DOTC ang iskam ng tanim-bala sa Ninoy Aquino International Airport at iba pang paliparan ng bansa.

Hindi naniniwala mismo si PNoy na may sindikatong malaki para sa tanim-bala na kinatatakutan na mismo ng mga overseas Filipino worker at mga dayuhang turista at negosyante.

Nagliliyab na ang mga balita sa ibang bansa at sa hanay ng milyon-milyong OFW ang problema at nasisira na ang programang balikbayan, turismo at pamumuhunan ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Bukod sa European Community na umaangal sa binaboy na kontratang car plates at iba pang kontrata ng gobyerno na basta na lang umano kinakansela o sinasampahan o ginugulo ng mga kaso, pinabagsak na rin ng World Bank ang rating o grado ng Pinas sa pagnenegosyo.

HARAKIRI, DELIKADESA

Panay ang angal ng mga nasa Matuwid na Daan sa mga pinagsasabi ng European Community at World Bank.

Natataranta rin sila sa kampanyang “bawas-remittance” at “laglag-boto” ng mga OFW para sa 2016 kaugnay ng “laglag-tanim-bala” na may halong “bukas-nakaw sa balikbayan boxes.”

Pero walang bumibitiw sa mga ito dahil pinaghaharian nga umano ng Matuwid na Daan ang lahat.

Lalong walang nagha-harakiri at lalong kumakapit-tuko sa puwesto ang mga sangkot sa mga korapsyon, kapabayaan at tuwad na daan.

Ang kakapal ng mukha nila!

Hmmmm! Bakit kaya?

Masarap maglungga sa gobyerno?

o0o
Anomang reklamo o puno ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333 ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>