MAGKAKASUNOD ang inilabas na desisyon ng Ombudsman laban sa mga opisyal ng bayan at mga opisyal ng ahensiya ng pamahalaan na nasangkot daw sa mga maanomalyang transakyon. Well and good.
Sa desisyon ay kasama ang suspensyon, pagtanggal ng karapatan na makakuha ng anomang benepisyo gaano man kahaba ang nagawang serbisyon. Very good.
Basta ba napatunayan na sangkot sa katiwalian, eh, dapat lang. Marami na ang mga politiko na sinuspinde ng Ombudsman kasama ang mga kasabwat daw na opisyal ng ahensiya ng gobyerno, lalo na, ang mga politiko at opisyal na iniupo noon ng nagdaang administrasyon (na naman?) ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo!
Ilang lider ng LGU na sangkot daw sa fertilizer scam ang sinuspinde ni Ombudsman chief Conchita Carpio-Morales or simply “Manang Conching.” Ilang politiko’t opisyal ng iba’t ibang ahensiya ang tinanggalan din ng Ombudsman ng kapangyarihan na patuloy na maupo sa puwesto nila.
Okay ‘yun, Manang Conching. Pero teka, bakit ‘yung maliliit lang at barya-barya ang tinitira ninyo? Katulad ‘yung sabi ninyo ni Don Benigno III, “fertilizer scam” ni PGMA gamit si Jocjoc Bolante, halos P800 milyon, dusa ang kalaban ni Aquino.
Bakit si Proceso Alcala na hinanapan ng Commission on Audit sa nawawalang P4.2 bilyon ay mukhang hindi ninyo nakikita?
‘Yung P4.7-bilyong ipinamigay ni DOTC chief Jun Abaya, mukhang walang makakita sa inyo. ‘Yung P2.4-bilyon na housing fund noon kay Mar Roxas na nasa DILG pa siya. ‘Yung halos bilyon-bilyong piso na pondo para sa Yolanda victims at lalo na ‘yung PDAF at DAP nina Aquino at Abad, inyong binabalewala?
Naku ha. Espesyal yata ang Ombudsman ngayon sa kamay ninyo, Manang Conching? Mukhang pang-milyonaryong katiwalian lang ang nakikita at kinakaya ninyo? Ang siste, garapal, eh, halos mga kampon ni PGMA lang ang inyong dinedesisyunan at kinakasuhan!
Ang rehimeng Aquino, kada ahensiya na hawak ng kanyang KKKK ay bilyon sa dilang bilyon ang sangkot na halaga sa kanilang matiwaling transaksyon, paano ninyo naabsuwelto ang mga iyon?
Talaga bang pang-milyonaryo lang ang Ombudsman mo ngayon, Manang Conching? Hatulan ang mga kalaban at iligtas ang nandarambong sa yaman ng bansa?
Once upon a time, I have very high respect to you, Madame Ombudsman, while you were in the Supreme Court. You are among the few who keeps the Lady Justice’s balance, fair and square decisions.
Now you as Ombudsman, I am losing my patience on how you handle the cases of corruption that even Lady Justice has removed her blindfold irritated by your decisions! Totally imbalance! BALETODO/ED VERZOLA