Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DUTERTE MAY PAGKAKATAON PA

$
0
0

HANGGANG December 10 ay may pagkakataon pa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumakbo bilang Pangulo ng bansa kaya patuloy ang panawagan ng mga sumusuporta rito na baguhin nito ang desisyon at sa halip ay kumandidato na lang ito bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Matatandaang noong October 16 ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Volunteers Againts Crime and Corruption (VACC) Chairman Martin Diño na kasama ni Duterte sa partidong PDP-Laban.

Base sa ruling ng Commission on Elections (Comelec), maaari pang palitan ang isang kandidato kapag parehas sila ng partido kaya umaasa pa rin ang mga taga-suporta ni Duterte na magbabago pa ito ng pasya.

Marami pa rin kasi ang kumukumbinsi kay Duterte para tumakbong Pangulo dahil naniniwala ang mga ito na masusugpo ng alkalde ng Lungsod ng Davao ang sobrang korapsyon sa ating bansa na matagal na ring problema ng Pilipinas.

Bukod sa pagiging mahigpit sa pagpapatupad ng batas ay kilala rin si Duterte sa pagiging galit sa mga kriminal na naghahasik ng lagim sa kanyang pinamamahalaang lungsod kaya marami ang umaasa na magagawa nito sa bansa ang kanyang ginagawa sa Davao City.

Maging sa mga social media ay kapansin-pansin pa rin ang panawagan na tumakbo si Duterte sa pagka-Pangulo dahil ito na lamang daw ang pag-asa ng Pilipinas para maging matino ang pamunuan.

Ngunit sa tuwing tatanungin naman si Duterte ay mariin nitong itinatanggi na tatakbo siya bilang Pangulo ng bansa ngunit hindi pa rin ito tinitigilan ng kanyang mga taga-suporta para magbago ng isip.

Patuloy na umaasa ang mga ito na magbabago pa ang isip ng alkalde at sakaling magbago ito ng desisyon ay desidido ang mga ito na magbigay ng todo-suporta kay Duterte.

TAKBO na DUTERTE…sabi ng mga ito sa social media. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Lagarto para colorear


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>