Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BULOK NA PULITIKA AT POLITIKO AYAW NG INC

$
0
0

ALAM ng lahat ang malaking gulo ngayon sa loob ng Iglesia Ni Cristo (INC). At natitiyak din natin na tutol ang INC sa sulat na ipinadala ni Apalit, Pampanga Kon. Sanny Dungo Mendoza kay Ka Eduardo Manalo, pangkalahatang tagapamahala ng INC.

Sa liham, muling humingi ng ‘suporta’ ng INC itong si Mendoza para “sigurado” ang re-election bid nito sa 2016 elections.

‘Yun nga lang, sa iniaalok na “kapalit” ni kon sa pagtulong sa kanya ng INC, alam nating mas malaki ang dahilan ng samahan upang ipagkait ang suporta sa kanya.

Kasi naman, kasuklam-suklam ang apat na plataporma na balak na gawin ni konsehal gaya ng: Gagawin niya ang lahat upang pigilin ang patuloy na paglaganap ng Ang Dating Daan (ADD) ni Bro. Eli Soriano at ipagpapatuloy rin ni konsehal ang pakikipaglaban sa mga maling gawain ni Bro. Eli.

Gayundin na bibigyang-prayoridad ni Mendoza ang mga kasapi ng INC sa mga programa ng bayan ng Apalit at patuloy ang kanyang gagawing ugnayan sa dalawang mataas na opisyal ng INC.

Ano ka ba, Kon. Mendoza, (hello), alam mo ba ang ginagawa mo?

Hindi plataporma ng good governance ang inilalatag mo bagkus iyan ay plataporma ng galit at pagkawatak-watak na alam natin WALA sa prinsipyo ng INC at kahit sa mga doktrina nito.

Dahil ‘yung lahat ng inilista na programa ni konesehal ay taliwas sa mga nakasaad sa Bibliya na alam nating tuntungan at pagkakataon kaya nga naging matibay ang kapatiran na parang isang pundasyon ng gusali.

Ang matindi, bakit kailangang isentro ni Mendoza ang kanyang galit sa ADD?

Sana’y idinamay na rin niya ang Simbahang Katoliko, Protestante at iba pang mga sekta.

Kung sa tingin ni kon ay nakatutulong ang mga katulad niya sa INC at sa mga isinusulong na reporma ni Ka Eduardo ay nagkakamali siya.

Hehehe.

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>