BIBIGYANG-DAANG muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na text messege at mga nag-email ng kanilang mga komento, reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar at tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa kanilang kahilingan at proteksyon.
Kung anoman ang mailalathala ng pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa Lily’s Files column natin at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.
MA’AM LILY, good am po. Isa po akong security guard diyan sa FRW_PSI, ang office po namin ay nasa UPS lV, Parañaque.
Help naman po, dalawang taon na po silang hindi nagbabayad o naghuhulog ng SSS, PhilHealth at iba pa. Maraming salamat po. 0907_5_7_4_.
Lily’s Files. Ang pinakamaganda po siguro ninyong gawin ay magtungo sa tanggapan ng SSS at doon po ay maaari kayong mag-file ng formal complaint sa inyong employer. Marami pong salamat.
MAGANDANG araw po, Lily’s Files. May mungkahi lang po ako. Umuupa lang po kami ng bahay.
Ang problema po, pagdating ng dalawang buwan ay pinaalis na kami at ang masama po sa kanilang ginawa ay bayad ang ilaw at tubig namin pero pinaputol po ng nagpapaupa.
Maghaharap po kami sa barangay pero natatakot po ako na baka sila ang kampihan ng barangay dahil kilala sila roon.
Maraming salamat po at more power sa inyo. 0948_2_8_6_.
Lily’s Files. Hintayin n’yo po muna kung ano ang kalalabasan ng pag-uusap ninyo sa barangay at kung sa tingin ninyo ay masyado kayong naagrabyado ay pinakamagandang isangguni ninyo sa isang abogado ang inyong problema.
Salamat po.
Magandang araw Lily’s Files. Dito po sa lunsod ng Maynila ay may mga tumatakbong pulis sa pagkakonsehal.
Ang mga pulis na ito ay kilala noong nasa serbisyo pa na malupit at walang pakundangan kung manakit ng tao.
Wala po bang magagawa ang COMELEC para pigilin sila sa kanilang kandidatura?
Natatakot po kami na baka ‘pag nanalo sila ay lalo lang lalakas ang loob nilang pumatay ng tao. Salamat po. 0915_3_9_3_.
Lily’s Files. Lahat po ay may karapang tumakbo o kumandidato sa election, hindi po natin sila kayang pigilan.
Nasa kamay nating mga botante na po nakasalalay ang kanilang pagkakapanalo.
Kaya bago isulat ang iboboto sa balota ay isip-isip muna.
o0o
Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suhestyon at komento, mag-text lang po sa 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES
