PAHAPYAW nating silipin ang patuloy na namamayagpag na mga video-karera (VK) ng mag-utol na sina kapitana at konsehal ng bayan ng San Jose del Monte, Bulacan.
Ibang klaseng mga lingkod-bayan ang mag-utol na ito na sa halip na sila ang manguna o mamuno sa pagsugpo sa talamak na mga iligal na pasugalan sa kanilang mga nasasakupan ay sila pa ang mga pasimuno ng paglalatag ng mga makina sa District 1 and 2 ng San Jose del Monte, Bulacan.
Hindi ko lang alam kung paano napaiikutan ng mag-utol na ito si San Jose del Monte Mayor Reynaldo San Pedro para hindi mapatigil ang operasyon ng kanilang mga ikinalat na mga VK o makina sa nasabing bayan.
Hindi kaya ginagamit nina kapitana at konsehal ang kanilang mga posisyon para manatili ang kanilang mga iligal na VK sa nasabing bayan.
Walang ginagawang aksyon si San Jose del Monte chief of police Supt. Charlie Apil Cabradilla kaugnay sa nagkalat na mga VK ng mag-utol sa buong sitio o barangay sa San Jose del Monte.
Col. Cabradilla, kumilios naman kayo!
VK SA CALAMBA SANGKATUTAK NA
Sa Calamba, Laguna naman ay hindi pa rin hinuhuli ni Calamba chief of police Supt. Fernando Ortega ang sangkatutak na video-karera ni Rico ng Tanay, Rizal sa nasabing bayan.
Ang matindi rito, sa kabila ng mahigpit ang kampanya ni PNP chief Gen. Ricardo Marquez sa mga iligal na sugalan ay patuloy na naman na nagbibingi-bingihan ang kapulisan ng Calamba.
Magkano kaya ang ‘tongpats’ na ibinibigay ni Rico ng Tanay kay Supt. Ortega at bakit hindi niya magalaw-galaw ang mga VK nito.
Bakit nga ba?
TALAMAK NA SEX SA KTV SA RISING SUN
Patuloy pa rin daw ang pagpapalabas ng bold show sa Rising Sun KTV sa Avenida, Sta. Cruz, Maynila.
Hindi kumikilos ang kapulisan sa 24 oras na bentahan ng sex sa mga VIP.
Halos araw-araw ay nakikipag-sex ang mga babae sa nasabing KTV.
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA