Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

COA NAMAN ANG GISAHIN

$
0
0

MARAPAT lang at panahon na upang ang Commission on Audit (COA) naman ang gisahin patungkol sa kanilang bisyo na magbigay ng obserbasyon at opinyon na kanilang iniuulat sa taumbayan.

Kamakailan ay naglabas ang COA ng kanilang obserbasyon na natengga nang matagal sa bangko ang daang-milyong donasyon na nakalaan sana sa mga biktima ng bagyo.

Nang dahil dito’y may sumakay na politiko kaya magsasagawa ng pagdinig ang Kongreso patungkol sa ulat na ito ng COA na halatang-halata na isa na naman itong ‘hugas-kamay’.

Gaya nang mga naunang ulat ng COA ay isinisisi nila ang bawat obserbasyon o opinyon sa mga opisyal ng ahensiya kung saan patungkol ang ulat pero kahit kailan ay walang kasalanan ang COA.

Ganito ang kanilang mga ulat samantalang sila mismo ay may kakulangan pagdating sa pagbabantay sa pondo ng bayan na siyang pangunahing mandato ng COA.

Kung talagang seryoso ang COA na bantayan ang pondo ng bayan ay dapat sana’y ipatupad nila ang tinatawag na ‘Pre-Audit’ o audit muna bago gastusin para siguradong bantay-sarado ang pondo.

Kaya lang, upang lusot sila sa lahat ng transaksyon kahit na ‘meron’ naman umano sila, ipinatutupad nila ang ‘Post-Audit’ o gastos muna bago audit. Kaya kung iligal ang paggastos… sunog na ang pondo sa kamay ng mga kawatan.

Sa isyu naman ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo ay dapat pitpitin ng mga Kongresista ang COA upang umamin na sila mismo ay walang nakahandang panuntunan kung paano ito gagastusin kaya nilumot ang pondo.

Ika nga sa wikang Ingles ay ganito: “COA do the auditing but who audits COA”. Sa madaling salita, sino ang bantay ng COA gayung alam naman natin na maging ang ahensiya na ito ay binabalot ng katiwalian?

Ang nakasusura pa sa COA na ito ay madalas magpalabas ng obserbasyon o opinyon samantalang alam naman nila na hindi pa sila ang supremong interpretasyon kundi ang Korte Suprema.

Opinyon pa lang ay inilalathala na sa taumbayan. Tatawasin pa sa korte ang opinyon na iyan ng COA pero naipako na ang opisyal na sangkot sa naturang opinyon. Buwisit!

***
Para sa komento o suhestyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>