ANG issue ng laglag o tanim-bala sa mga airport natin ay lilipas din at hindi maaapektuhan ang ating karangalan at ekonomiya.
Really? Sana nga pero laughing stock na tayo ngayon sa America at Japan. Nasa Fox News na tayo ngayon at baka bukas-makalawa ay nasa CNN na tayo o dili kaya ay sa BBC ng United Kingdom.
Ginawa na ring movie characters ang mga tiwaling empleyado ng Department of Transportation and Communications at PNP aviation security, kasama na ang mga porter ng airport natin.
Baka sa mga darating pang panahon ay talunin na natin ang computer game na Super Mario o Pacman na masiba at walang kabusugan.
Isolated case lang daw ang tanim-bala anomaly sa mga airport natin, sabi ni Joseph Emilio Aguinaldo Abaya ng DOTC at ng kanyang subordinate na si Ret. Gen. Jose Angel Aquino Honrado, general manager ng Manila International Airport Authority.
Araw-araw ay may kaso ng tanim-bala sa mga airport natin at hindi isolated ang mga kasong ito.
Marami ang nakikiusap kay Pangulong Noynoy Aquino na tanggalin na sina Abaya, president ng Liberal Party, at ni Honrado na tiyuhin naman ni Noynoy.
Ayaw nilang mag-resign. Magre-resign lang daw sila kung si Noynoy mismo ang magtatanggal sa kanilang mga posisyon.
Umasa ka pa.
Ang sabi ni Honrado, wala raw siyang control sa mga tauhan niya sa mga airport, katulad ng aviation command ng pulis at mga scanner na tauhan naman ng DOTC.
Ano ba talaga ang trabaho ni Honrado?
Ilista natin ang duties at functions ni Honrado:
1. Exercise overall supervision and control of the Authority’s activities;
2. Define and promulgate the corporate objectives, target and direction of the Authority;
3. Promulgate rules and regulations necessary to carry out the objectives, policies and functions of the Authority;
4. Ensure the attainment of objectives and targets and the implementation of the Authority’s policies, programs, rules and regulations;
5. Ensure the provision of adequate airport facilities and their proper maintenance; at iba pa. DEEP FRIED/RAUL VALINO