Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY DALANG BALA HULI, MAY DROGA LUSOT

$
0
0

MARAMING pasahero ng eroplano ang nagreklamo na nabiktima umano sila ng raket na tinaguriang “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport.

Nagulat daw sila nang sabihin ng mga awtoridad na may nakitang bala ang X-ray screener sa loob ng kanilang bagahe. Paano umano mangyayari ito samantalang wala silang dalang bala at hindi nila gagawin ito dahil alam nilang bawal?

May umamin din naman na may dala silang bala bilang anting-anting na pantaboy raw ng masasamang espiritu. Pero may nagsabi rin na napilitan lang silang umamin na may bala na anting-anting at magbayad ng multa para makaiwas sa pagkakakulong at hindi maabala sa pupuntahan.

Malaking kahihiyan ang dulot nito sa ating bansa. Ang United Nations ay nagbabala sa staff nito laban sa tanim-bala scam sa NAIA.

Binatikos din ang tanim-bala ng Fox News anchor na si Greta Van Susteren sa kanyang segment na “Off the Record.” Binigyan daw siya ng tip ng isang kaibigang Filipino-American na ang mga biyahero ay tina-target ng Filipino security officials ng paliparan para taniman ng bala ang kanilang bagahe.

Kasunod nito ay huhulihin sila at sasabihan daw ang inaresto na pwede nilang bayaran ang multa o manatili na lang sa kulungan para harapin ang kaso.

Namamayagpag sa kasalukuyan ang screeners ng Office for Transportation Security sa pagtukoy kung sino sa mga mag-a-abroad ang may dalang bala sa loob ng kanilang bagahe. Isang bala lang ang palagiang nakikita sa mga nahuhuli.

Kaya marami ang nagtataka kung bakit hindi natunugan ng naturang maaasahang screeners ang iligal na droga na dala ng apat na Pilipina palabas ng bansa.

Apat na Pinay ang inaresto pagdating nila sa Hong Kong dahil sa pagpupuslit ng 2.5 kilos ng cocaine. Ang isang bala ay natutukoy ng X-ray screeners pero ang 2.5 kilos ng droga ay hindi?

Hindi sana maaaresto sa abroad ang mga kababayan natin kung natuklasan lang ng screener na may droga silang dala bago pa sila umalis ng Pilipinas.

Kapag minalas-malas ay baka mahatulan pa ang apat na Pinay ng kamatayan na kadalasang parusa sa nahuhuling “drug mules,” dahil lang sa kapalpakan ng screener.

***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. FIRING LINE/ROBERT ROQUE, JR.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>