Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EPAL SA ‘LAGLAG-BALA’ SI LENI

$
0
0

ANO ba naman itong si Rep. Leni Robredo na tumatakbong Vice President ni Mar Roxas ng Liberal Party?

Epal na epal kasi ang dating ni Leni matapos siyang maghain ng panukalang batas na naglalayong mahinto ang “lalag-bala” scam na talamak na nangyayari sa NAIA.

Sa kanyang House Bill 6245, layon nitong i-decriminalize ang sinomang mahuhulihan ng tatlong bala pababa sa mga paliparan.

Nag-iisip ba itong si Leni? Totoo bang abogado siya? Ano ang lohika ng tatlong bala? Bakit hindi apat, lima o anim? Parang hindi nag-iisip si Leni.

Imbes kasi na pagtuunan ng pansin ang sindikato ng laglag-bala scam na nambibiktima ng mga kaawa-awang pasahero, sumentro ang kanyang bill sa bilang ng bala na pwedeng palusutin sa airport.

Ang gawin ni Leni, pabantayan niya ang mga gumagawa ng laglag-bala scam at magsagawa ng imbestigasyon. Kung bakit sa dinami-rami ng kaso ng laglag-bala ay marami pa rin ang nakalusot dito at hindi naman nakasuhan.

Nangangahulugan ba ito na nagbigay na lang ang mga pasahero ng pera sa mga tauhan diyan sa NAIA para hindi maabala? Hindi ba’t extortion ito? Kilalanin ang sangkot sa mga kasong ito at parusahan kung sino ang mga nasa likod ng laglag-bala scam.

Ang nakaiinis pa, inuna pa nitong si Leni ang turismo na maaari raw maapektuhan sa nasabing scam. Bakit hindi inuna ni Leni ang kalagayan ng mga kaawa-awang biktima ng tanim-bala scam? Ang kapakanan ng mga OFW at mga mananakay ang dapat pagtuunan ng pansin ni Leni at hindi ang turismo.

Tama rin ang panawagan ni Sen. Bongbong Marcos kay Pangulong Noynoy Aquino na sibakin na sa puwesto si Manila International Airport Authority general manager Jose Angel Honrado dahil sa kapabayaan sa tungkulin.

Kung hindi kasi naging palpak sa kanyang pamumuno itong si Honrado, kabilang na ang mga opisyal sa nasabing paliparan, hindi lalaganap ang sindikato ng laglag-bala scam.

Nakagugulat naman ang pahayag nitong si Mar Roxas matapos na sabihin na isang “demolition job” daw ang laglag-bala scam para masira ang gobyernong Aquino.

Aba’y hanep naman! Mayroon pa bang sisirain sa sira-sira nang ulo, este, gobyerno ni Aquino? Matagal nang sira sa mata ng taumbayan ang gobyernong ito!

Hibang na itong si Mar kaya kung ano-ano na lang ang idinadahilan para lang mapagtakpan ang kapalpakan ni Aquino. Nagiging malinaw tuloy na binibigyan nila ng proteksyon ang mga palpak na opisyal ng paliparan.

Tama ang panawagan ng mga OFW at ng grupong Migrante na hindi talaga dapat iboto sina Mar at Leni. KANTO’T SULOK/NATS TABOY


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>