Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALANG KAWALA SA SORPRESANG DRUG TEST

$
0
0

lily's-files-lily-reyesKAMAKAILAN ay nagpatawag  ng  biglaang conference itong si Quezon City Police District Director Sr. Supt. Richard Albano sa lahat ng mga operatiba ng QCPD-District Anti  Illegal Drugs (QCPD-DAID) .

Dumating ang lahat ng mga taga- QCPD-DAID sa pangunguna ng kanilang hepeng si Sr. Insp.  Roberto Razon. Nang matiyak ni Col. Albano na naroon na ang lahat ng mga taga- DAID ay tinawag nito ang mga tech-nician ng QCPD-LAB at nag-order ito ng surprise drug test.

Walang kawala at hindi nakuhang magreklamo  ng mga ito  dahil personal na binantayan ni Col. Albano ang nasabing drug test mismo ng mga  tauhan ng DAID.

Ayon sa Director ng QCPD, anomang oras ay ipadadala sa kanya ang resulta ng drug test.

Masaya ito, ilan kaya sa mga taga-DAID ang magpopositibo sa droga? Ilan din kaya ang maipare-rehab ng opisyal at ilan kaya ang matitirang tao rito? ‘Yan po ang ating aabangan.

Ito ang maganda sa hepe ng QCPD, pag may natanggap na reklamo ay kaagad na umaaksyon  nang walang nakaaalam, hindi katulad noong mga nagdaang director na iuutos lang o kaya’y  ipatatawag ang hepe  at magbibigay na lang ng instruction.

Metikoloso itong si Albano, gusto niya, siya mismo ang makatutuklas  sa mga iligal na gawain  ng kanyang mga pulis. Maging sa loob ng Kampo Karingal, ang gusto niya ay personal niyang nakikita ang galaw ng kanyang mga tao at maging ang paglilinis ng mga ito sa loob ng kampo ay mino-monitor din ng opisyal.

Maganda ang pamamalakad ni Col. Albano sa  loob ng Kampo Karingal. Isa nga lang ang nakatawag pansin sa Lily’s Files, ang napakahigpit  na  seguridad sa loob mismo ng Kampo Karingal ngunit napakaluwag naman ng security sa mismong gate nito.

Sa tingin ko ay hindi na dapat pang maghigpit sa loob ng kampo dahil mga pulis naman ang mga  nandito. Ang dapat na higpitan ay ang napakaluwag na security sa gate na kahit na sinong tao ay puwedeng makapasok nang walang tanong-tanong.

Hindi po ba, Col. Albano?

Dapat kung maghihigpit itong si Col. Mata sa QCPD Headquarters ay unahin muna niyang higpitan ang mga labas-pasok na sibilyan dito, paano na lang kung may mga dalang kontrabando ang mga pumapasok sa gate, eh, di nabulaga kayong lahat.

Ang dami pa namang natutulog na opisyal dito.

Minsan ay napansin ko na wala ni isang pulis ang guard house at minsan naman ay tulog at nakanganga pa ang nag-iisang pulis.

Paano na lang kung sasamantalahin ng mga masasamang loob ang ganitong sitwasyon?

At saka na lang ba kayo maghihigpit kapag may nangyari na?

Col. Albano sir, marami kayong naka tenggang opisyal diyan sa Kampo Karingal na ikot lang ng ikot sa loob ng Kampo bakit hindi kayo pumili ng isang matino at magaling na alam nyong kayang magpatakbo at mangalaga ng Kampo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>