Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ONE-STRIKE POLICY NG PNP WALANG KAMANDAG

$
0
0

TALAMAK pa rin ang operasyon ng bookies ng Small Town Lottery (STL) nina Dante Alvarez at Nato Opeña sa 1st District at 2nd District ng Laguna.

Buong 1st at 2nd district ng lalawigan ay kontrolado ng magka-partner na Dante at Nato.

Ang lawak ng operasyon ng bookies ng STL ng mag-partner na Dante A. at Nato O. ay simula 1st District (Biñan, Sta. Rosa at San Pedro) samantala sa 2nd District naman ay (Cabuyao, Calamba, Los Baños).

Ang pinagtatakhan ko ay kung bakit hindi man lamang kumikilos sina Gov. Ramir Hernandez at PD Supt. Florendo Saligao laban dito.

Biruin ninyo, halos abot-tanaw lang mula sa munisipiyo at himpilan ng pulisya ang kubrahan ng bookies dito pero dinededma lang ng dalawang opisyal na ito.

Ang balita ko nga ay malaki raw ang ‘tongpats’ na ibinibigay ng mag-partner na ito sa mga “to whom it my concern.” Hehehehe.

Ang siste pa wala raw sinomang ibang operator ang makapapasok sa teritoryo ng dalawa ang hindi nagbibigay-pugay sa mga ito dahil ipinagmamalaki ng mga ito na sila lang ang binigyan ng basbas ni gob.

Ano na kaya ang nangyari sa ‘one strike policy’ ni PNP chief Gen. Ricardo Marquez?

Bakit sangkatutak pa rin ng mga iligal na pasugalan sa lalawigan ng Laguna, kabilang na ang bookies ng STL nina Dante Alvarez at Nato Opeña?

PROSTITUTION SA XTD KTV LANTARAN PA RIN

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang operasyon ng XTD KTV Bar na pag-aari ng isang Philip sa Macapagal Ave., Pasay City.

Lantaran pa rin ang prostitusyon sa kabila ng ilang metro lang ang layo nito mula sa himpilan ng pulisya ng Pasay City-PNP.

Walang ginagawang aksyon ang kapulisan sa pangunguna ni Supt. Joel Doria at sa halip ay puro pangongotong sa mga bahay-aliwan at pasugalan ang inaatupag ng mga tauhan nito.

Paging, Pasay Mayor Tony Calixto!

Aba, matatapos na naman ang tatlong termino ninyo nang wala kayong nagawa laban sa pagsugpo sa prostitution at sugalan.

Kailan pa, mayor? Hehehe…

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>