Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ILLEGAL DRUGS TUTULDUKAN NI POE

$
0
0

NAPAPANAHON na para pagtuunan ng sapat na atensyon ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa.

Ito ang matinding panawagan ni Senadora Grace Poe sa gobyerno kasabay ang pagsasabing magiging pangunahin niya itong prioridad sa sandaling siya na ang maging Pangulo ng bansa.

Sinabi rin ng Senadora na siya ring kasalukuyang pinuno ng Senate Committee on Illegal Drugs na dapat ay mayroong komprehensibong plano at pagkilos ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa pagsugpo nito upang tiyak na mapagtagumpayan ang kampanya laban sa salot na ipinagbabawal na gamot.

Malinaw sa mga datos, na ang ipinagbabawal na gamot ang siyang sanhi ng halos lahat ng nangyayaring krimen sa bansa kagaya ng patayan, rape at nakawan na nauuwi na rin sa pagkawasak ng pamilyang Filipino.

Kitang-kita rin ni Poe na hindi ang pagsugpo ng iligal na droga ang pangunahing prayoridad ng PNoy administration dahil umabot na sa kulang dalawang-milyong katao ang biktima nito.

Dapat ding itrato na national security issue ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa kaysa isang police matter lamang dahil grabe na ang perwisyong naidudulot nito sa bayan at sa mamamayan ng estado.

Sa kasalukuyan ay malinaw na ginagamit ang Pilipinas na entry point ng droga sa Southeast Asia at patunay na nga rito ang pagpapalusot ng mga awtoridad sa NAIA sa may 2.5-kilos ng cocaine na dala ng apat na kababaihan na nahuli naman ng Hong Kong authorities.

Matindi rin ang patunay na talamak ang paggamit sa mga Filipino sa pagdadala ng iligal na droga sa ibang bansa dahil umabot na sa 88 katao ang nasa death row dahil sa pagiging carrier ng ipinagbabawal na gamot.

Tama rin ang suhestiyon ni Poe na palakasin ang Barangay Anti-Drug Abuse Council dahil malinaw sa datos na pabata na nang pabata ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot matapos lumabas sa isang pag-aaral ng US na ang Pilipinas ang isa sa may pinakamalakas na gumamit ng shabu sa buong Southeast Asian region.

Political will at kamay na bakal ang sandata ni Poe sa iligal na droga at iyan ang kulang sa ibang presidentiables sa ngayon dahil posibleng ang mga sindikato ng ipinagbabawal na gamot ang kanilang mga tagagastos. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>