Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BIGYAN NG LEKSYON

$
0
0

NOONG Lunes ng umaga, sumumpa ang mga opisyal at miyembro ng NCRPO Press Club sa pangunguna ng presidente at bise-presidenteng sina Lily Reyes, kolumnista ng Remate at David Oro, ng DZMM, sa harap ni National Capital Region Police Office chief Dir. Joel Pagdilao sa tanggapan nito sa Bicutan, Taguig.

Hindi natapos sa pagsumpa sa tungkulin ang araw ng mga mamamahayag sapagkat iprinisinta ni Gen. Pagdilao ang grupo sa chief of police at ibang opisyal ng limang (5) distritong nasasakupan ng NCRPO kung saan ay ipinagmalaki ng heneral ang tulong na nagagawa ng mga mamamahayag sa kapulisan.

Totoo ang sinabi ni Gen. Pagdilao na kapartner ng kapulisan ang mga mamamahayag. Binabatikos man ng mga mamamahayag ang kamalian ng mga alibughang miyembro ng Philippine National Police subalit pinupuri rin naman natin ang kanilang mabuting gawa.

Kaya nga hiningi ni Gen. Pagdilao ang tulong ng NCRPO Press Club at iba pang grupo ng media sa pagpapakalat ng ginagawang hakbang ng kanyang tanggapan upang mapabuti ang serbisyong kanilang ipinagkakaloob sa mga mamamayan.

Nais ng PNP na maging ligtas ang ating pamayanan kaya ginagawa nila ang kanilang tungkulin sa abot ng kanilang makakaya.

Pero, iba naman ang ginagawa nitong si SPO2 Manuel Layson, desk officer ng Marikina City Police Station, na hinadlangan ang mamamahayag na si Edmar Estabillo, ng DZRH, na gawin naman ang kanyang tungkulin.

Dumating si Establillo sa Marikina City Police Station lulan ng kanilang mobile car at nakasuot pa ng T-shirt ng DZRH.

Titingnan sana ni Estabillo ang police blotter sa desk subalit pinigilan siya ng pupungas-pungas pa na si Layson. Wala ito sa kanyang puwesto.

Sinita ng pulis ang mamamahayag at hiningian ng ID. Si Estabillo ang presidente ng isang grupo ng mga mamamahayag na nagko-cover sa Eastern Police District.

Hindi man siya kilala nitong desk officer na si Layson, dapat ay naging magalang pa rin ito at ibinigay sa reporter ng DZRH ang kinakailangang kortesiya.

Pero iba ang ginawa ni Layson. Pinagalitan, ipinagtulakan, ipinosas, sinaktan at ikinulong si Estabillo. Hindi ba ito ay isang harassment? Paglabag din ito sa karapatang pantao ni Estabillo.

Hindi naman kailangang maging reporter upang makita at mabasa ang nilalaman ng police blotter sapagkat ito ay public property at ang nilalaman ay public interes.

Dapat ay umaksyon na kaagad itong si C/Supt. Elmer Jamias, director ng Eastern Police District. Sibakin na kaagad sa puwesto itong pulis na hindi marunong gumalang sa karapatan ng mga mamamahayag. Bigyan ng leksyon ang pulis na ito.

Kung ang mga amo nilang sina PNP chief Dir. Gen. Ricardo Marquez at NCRPO chief Dir. Pagdilao ay gumagalang sa karapatan ng mga mamamahayag, sino itong si SPO2 Layson para kumontra?

Maliban na lang kung wala siya sa sariling katinuan dahil sa paggamit ng droga. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Long distances monthsary message tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>