Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANALO ANG MALABON SA LACSON-NOEL/SANDOVAL TANDEM

$
0
0

SA pagbabalik ng ‘Ama ng Lungsod’ na si ex-Rep. Ricky Sandoval na may-akda ng Cityhood Law ng Malabon, nakatitiyak na ang panalo ay ang mamamayan, lalo na’t ito ang ka-tandem ng kasalukuyang mambabatas na si Congw. Jaye Lacson-Noel na standard bearer ng Nationalist People’s Coalition bilang mayoral bet sa 2016.

Tiyak patok pa rin sa voters si ‘Cong’ Ricky sa desisyon niyang magsilbi muli bilang kinatawan dahil siguradong nakatatak pa rin sa karamihan ang mahahalagang naiambag nito noong s’ya pa ang kongresista ng Malabon at Navotas.

Masasabi ng inyong lingkod na ang isa sa mahalagang batas na naipasa nitong si ‘Cong’ Ricky, na naging popular nang mapabilang siya bilang isa sa Spice Boys ng Kongreso, ay ang maging lungsod ang Malabon.

Dahil sa malaking dagdag na pondo mula sa Internal Revenue Allotment, naisakatuparan ng lokal na pamahalaan ang maraming proyekto, lalo na sa imprastraktura at pro-people and pro-poor programs at iba pang proyekto.

At kung muling mabibigyan ng pagkakataon bilang kinatawan, isa sa kanyang uunahin ang masuring mabuti ang Camanava Megadike and Drainage Improvement Project na siya mismo ang isinulong noong kongresman siya ng dalawang lungsod.

“Lumalabas naging failure ang proyekto dahil hindi nasunod ang nasa plano nito kaya sa huli ang talo ay ang ating mamamayan kaya uunahin ko ito na ma-review dahil tunay na mahalaga ang isang epektibong flood control project dito sa Camanava area,” aniya na magsusulong din na maitayo ang Malabon Science High School dahil sa kanyang paniniwala na mas maraming batang magagaling at matatalino ang dapat mabigyang-pansin.

Lalong mamahalin ng lungsod itong si ‘Cong’ Ricky, dahil bukod kay Congw. Jaye Lacson-Noel na hindi rin matatawaran ang dedikasyon at husay nito sa paglilingkod sa kanyang mga constituents at makikita iyan sa mga programang direktang pinakikinabangan ng taong-bayan, sapagkat matatag niyang ka-partner ang kanyang kabiyak na si incumbent Vice Mayor Jeannie Sandoval.

Tahimik pero sigurado, direkta at maayos na napapakinabangan ng mga mamamayan ng lungsod ang mga programa na ipinatutupad nitong si VM Jeannie, malayo sa ilang halal na opisyal na mahilig sa ‘praise releases’ pero ampaw ang mga pangako, pwe!

At tunay na mas’werte at panalo ang lungsod dahil dumating na ang ‘tamang panahon’ nang magsama itong si ‘Cong’ Ricky at Congw. Jaye. Ito na ang hustong formula na hinahanap ng marami na siyang mangunguna upang mas lalo pang mapaunlad ang Malabon kasabay ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan nito.

Parehong aminado ang dalawa na mas epektibo nilang maisasakatuparan ang mga proyekto at programa sa lungsod kung pareho silang mahahalal sa kanilang puwesto sa May 2016 elections.

Ang hiling, apela at panalangin lang ng dalawa kasama si VM Jeannie na sana’y maging maayos at walang violence ang May 2016 election sa lungsod, sa kanila dapat patas lang ang labanan at kung may maganap man na karahasan, tinitiyak nila hindi sa kanila ito manggagaling. GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>