Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

INUTIL NA PULITIKA, POLITIKO

$
0
0

SABI ng kaibigan kong si Intoy, “padre, sana palaging may pulong ang APEC o kaya dalasan ni Pope Francis ang pagbisita sa atin.” Taas-kilay ko siyang tinanong, “Bakit naman, Pareng Intoy?”

“Aba, punta ka sa Maynila at mga pagdarausan ng APEC, ang linis. Inalis lahat ang sidewalk vendors at pati mga nakaparadang sasakyan at iligal na istruktura sa magkabilang gilid, eh. Ang ganda pala?”

May malaking tama si Pareng Intoy. Ang tanong: gagawin lang ba ang ganito ng mga namumuno sa atin, lokal o pambansa, tuwing may ganyang okasyon? Pagkatapos, papayagan na namang bumalik ang lahat?

Ganyan kainutil ang sistema ng ating pulitika na gawa ng mga politiko na swapang sa kapangyarihan. Ano pa nga ba ang ibang dahilan ang nakikita ninyo?

Boto, boto at boto ang habol ng mga inutil na politiko para manatili sila sa puwesto!

‘Yan ang masakit, eh. Tumatanda ang Pilipinas, sa halip na papaunlad ay nabubulok dahil sa pulitika ng mga bugok, swapang at tiwaling mga politiko.

Kaya nga kung mayroon lang mapipili na bagong lider ng bansa, kailangan ‘yung may bayag at tapang na laban sa maruming pamamahala ng mga politiko sa inutil na pulitika!

Madalas sa mga panayam, itinuturo ng mga lider ang kawalan daw ng disiplina ng mamamayan sa pagtatapon ng basura, hindi paglilinis ng loob at labas ng bahay at komunidad. Wala raw pakialam?

Mali! Kung kayong mga politiko ay hindi kunsintidor sa pagkawala ng disiplina ng taumbayan dahil takot kayong mawalan ng boto sa bawat eleksyon, palagay ba ninyo hindi sila susunod sa programang kalinisan at disiplina ng pamayanan?

Inuulit natin, ang kalsada ay para sa mga sasakyan. Ang sidewalks ay lakaran ng tao. Ang palengke ang tindahan ng anomang pamilihin.

Ganyan kasimple pero kapag ganid ang lider na karamihan ay nakaupo ngayon, hayun, benta ng puwesto sa mga iligal na gawa ng tao!

Katulad ngayon nga naman, aba, isa-isang nawawala ang mga taong kalsada sa Roxas Blvd. at mga lugar kung saan gaganapin ang APEC. Malinis ang paligid at istrikto ang pagpapatupad ng “no parking” – ngayon.

May tama nga si Pareng Intoy pero para sa atin, kung hindi INUTIL ANG MGA PoLITIKO NA SUMISIRA SA ATING PULITIKA, buong panahon ay hindi maghahari ang anarkiya sa kalsada at saanman na pamayanan.

Ang tanong uli: mayroon ba tayong mapipili na lider na susunod at magpapatupad ng istriktong disiplina para maibalik sa ganda ang Pilipinas? Mayroon ba? BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>