MULI na namang nagtatampisaw sa makamundong gawain ang XTD KTV Bar ni Philip sa Macapagal Blvd., Pasay City.
Gabi-gabi, mahigit sa 50 kababaihan ng nasabing KTV bar ang ipinakakangkang ni Philip sa mga kostumer nito na ang kalimitan ay mga Koreano.
Ang matindi rito, sapilitin na ibinebenta ng XTD KTV Bar ang mga babaeng nagtatrabaho sa kanila na kapag hindi pumayag ang babae ay tinatanggal nila.
Ika nga, bawal sa KTV bar na ito ang sinomang mga babaeng hindi ‘game’ o hindi nagpapakangkang sa mga dayuhang na ang hanap ay ang panandaliang aliw.
Ang style ng KTV bar na ito ay may mga pasuwelduhan silang ‘guide’ na siyang nagdadala sa kanila ng mga dayuhang kostumer na naka-check-in sa mga malalaking hotel na ang hanap ay maka-sex ng mga babaeng Pilipina.
Kaya hindi nasi-zero ang KTV bar na na ito dahil may mga regular na kostumer na sila.
Walang ginagawa ang pamahalaang lokal ng Pasay at sa halip ay patuloy na pinapayagan ito na makapag-operate kahit lantarang binababoy ang puri ng ating mga kababaihang Filipina.
Ang isa sa mga pasimuno rito ay itong si Pasay City Business Permit and Licensing Office (BPLO) chief Boyet del Rosario na ang balita ay kakandidato pa naman na vice-mayor ng nasabing lungsod.
KONTRALADO SINA GOB AT PD NG DALAWA
Patuloy pa ring ino-operate ni Dante Alvarez at ang partner na si Nato Opeña ang malawakang operasyon ng bookies ng STL sa dalawang distrito ng lalawigan ng Laguna. Ang 1st at 2nd District ng lalawigan ang sakop ng operasyon ng mag-partner.
Hawak (meaning to say kontrolado) nina Dante Alvarez at Nato Opeña sina Laguna Gov. Ramir Hernandez at Provincial Director Supt. Florendo Saligao kaya smooth na smooth ang operasyon ng bookies nila.
***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA
