Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PALPAK NA DAANG MATUWID IKATATALO NG LIBERAL PARTY

$
0
0

ANG mga kapalpakan sa ‘Daang Matuwid’ ang maaaring ikasilat ng mga kandidato ng Liberal Party mula sa pinakamababa hanggang sa kanilang presidentiable candidate na si Mar Roxas habang tinatahak ang huling yugto ng ‘Tuwid na Daan.’

Ang isa rito ay ang mga kontrobersiya na kinasasangkutan ng mga ahensiya ng gobyerno na nagpasidhi ng galit ng mamamayang Filipino.

Kabilang sa mga ito ang planong inspekyon sa balikbayan boxes, madalas na pagkasira ng MRT, Yolanda, tanim-bala na nagdulot ng labis na kahihiyan sa buong mundo at marami pang kapalpakan.

Ang matindi, hindi pa nga nagdedeklara bilang LP standard-bearer si Roxas ay bagsak na ang kumpiyansya sa kanya ng daan-daang libong Overseas Filipino Workers (OFW). Ang matinding ikinagalit ng mga OFW ay batay sa ilang Facebook account na nagpapakita kung gaano nilalapastangan ng mga tauhan ng airport ang mga balikbayan box na dugo at pawis ang pinuhunan.

Nariyan din ang mga kapalpakan sa relief at rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng Yolanda. Poot ang namayani sa puso ng sambayanan dahil sa mabagal na pag-aksyon ng gobyerno para matulungan ang mga biktima.

May balita rin na ang bulto-bultong relief goods ay nabulok dahil hindi napamahagi sa dapat bigyan.

Ang isa pa ay ang perwisyong trapiko sa EDSA at iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Ang pinakahuli ay ang kontrobersiya tungkol sa sindikato ng “tanim-bala” na bumibiktima ng mga walang kamalay-malay na pasahero sa ating pambansang paliparan.

PERYANG PUNO NG SUGALAN

Naku, grabe ang peryahan na puro sugalan nitong si Lyn sa Bgy. Saimsaim, Calamba, Laguna.

Si Kap. Manalo at si hepe ang ginagamit.

Totoo kaya ito? Kung totoo, magkano? He..he..he.

***
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>