Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LAHAT MAGBANTAY AT LUMABAN SA TERORISMO

$
0
0

NITONG nakaraang Biyernes, sabay-sabay na inatake ng mga terorista ang anim-pitong lugar sa Paris, France.

Nasa 150 inosenteng tao ang patay at mahigit 200 ang sugatan.

Sa pag-aaral ng mga imbestigador, ginawa ang pag-atake upang malito at mataranta ang mga awtoridad at mas marami ang kanilang mabibiktima sa mas matagal na pamamaril.

Walong terorista ang nagpasabog ng kanilang mga sarili o napatay ng mga pulis at sundalo pero pinaniniwalaang higit dito ang nagsagawa ng kahindik-hindik na krimen.

GAWANG DEMONYO

Napakabangis ang pamamaslang, parang gawang demonyo.

Sa kwento ng mga survivor sa Bataclan Theatre na kinamatayan ng pinakamarami sa mga biktima, naka-apat na palit ng magasin ng AK-47 ang isang terorista sa kagustuhan nitong makarami sa pagpatay.

At habang nakadapa ang mga tao at tumatakbo, parang ibon lang ang mga ito na pinagbababaril.

Basta na lang din inispreyan ng bala ang mga nagkakape sa isang kapihan at marami rin ang patay rito.

Gayundin na marami ang napatay sa paligid ng national stadium kung saan ginaganap ang laban sa larong soccer ng France at Germany at habang nanonood si France Prime Minister Francois Hollande.

SINO ANG MAY GAWA?

Ang ISIS o Islamic State of Iraq and Syria ang kaagad umamin sa krimen laban sa sangkatauhan.

Batay ito sa isinisigaw ng mga terorista habang minamasaker ang mga mamamayan sa Bataclan Theatre.

Bunga umano ang pagpatay ng pakikialam ng France, sa utos ni Hollande, sa giyera sa Syria na kinatatagpuan ng ‘gobyerno ISIS.’

Kaugnay nito, maaaring bahagi ang mga terorista ng daan-daang French national mismo na umuwi na mula sa Syria at sa sarili nilang bansa isinasagawa ang kanilang natutunang pamamaslang sa digmaan.

NAGHIGPIT ANG LAHAT

Naghigpit lahat ang mga bansa dahil sa pangyayari.

Matatandaang maging ang Russia ay biktima rin ng sinasabing pambobomba ng ISIS ng eroplano nito sa Egypt kamakailan lang na ikinamatay ng lahat ng 224 na sakay ng eroplano.

Hindi na lang ang mga paliparan, eroplano at bagahe ang hinihigpitan kundi maging ang mga pasahero, kasama na ang mga dokumentong hawak ng mga ito.

Kaya naman, tiyak na magkakaroon ng pagbagal ng transportasyon sa maraming bahagi ng daigdig at pagbagal na rin ng ekonomiya.

Makasasama rin ang pangyayari sa pagbiyahe ng mga lider ng bansa na aktibong nagmimiting-miting para sa ikalulutas ng mga malalaking problema sa mundo, kasama na ang ukol sa global warming o pag-iinit ng mundo na gaganapin din sa France sa mga susunod na buwan.

Alalahaning makabubuti sa bansa ang miting ukol sa global warming lalo’t maya’t maya ay nagiging biktima tayo ng mga masa-samang panahon, gaya ng mga bagyong Yolanda at Lando na isa sa mga bunga ng global warming.

STATE OF EMERGENCY

Nagdeklara agad ang France ng state of emergency.

Ang state of emergency, mga Bro, ay sinulid lang ang kaibahan sa martial law.

Walang masusunod dito kundi ang mga pulis at sundalo sa utos ng lider ng isang bansa.

Pupwedeng ipag-utos ng mga awtoridad ang malawakang pag-aresto at pagkontrol sa galaw ng mga mamamayan at kahit ang “suspicious” na galaw ay pupwedeng doon ka maaresto at madala sa himpilan ng mga pulis at sundalo para maimbestigahan.

Pupwedeng may mga search kaagad na hindi kinakailangan ang kautusan ng korte para rito, kasama na ang pag-aresto.

Pupwede ring gamitin ito laban sa mga kritiko at oposisyong politiko na gustong magsamantala sa kapangyarihan ng pamahalaan.

Sa Pilipinas, pupwedeng idiretso ito sa ‘di pagkakaroon ng halalan sa 2016. Ganyan katindi ng ibinubunga ng terorismo na pwedeng samantalahin ng mga ganid sa poder.

MAGBANTAY ANG LAHAT

Talaga namang hindi biro-biro ang terorismo, mga Bro, at pagsasamantala rito ng mga nasa poder ng kapangyarihang may halong pwersa ng mga militar at sundalo.

Upang hindi maganap ito, iatang nating lahat sa ating balikat ang pagbabantay laban sa mga terorista.

Una sa lahat, hindi makayanang mag-isa ng pamahalaan, kahit gamitin nito lahat ang mga 300,000 pwersa ng mga pulis at sundalo.

Kung sasamahan ng milyon-milyong mamamayang Filipino ang mga sundalo at pulis laban sa mga teroristang gaya ng mga namaril at nambomba sa France, magtatagumpay ang lahat sa pagtiyak ng kaligtasan sa buhay natin at ari-arian.

Kasamang mapagtagumpayan ang pagsasamantala ng mga ganid sa poder na walang iniisip kundi manatili sa pwesto sa anomang paraan at gagawing nilang lungga ang pamahalaan para sa kanilang pagnanakaw at pang-aabuso sa poder.

o0o
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>