Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BASURA NG ICTSI AT IPM SA PAROLA MABANTOT

$
0
0

MULI na namang nagbalikan ang itinatapon na mga tone-toneladang basura ng IPM at International Container Terminal Services, Inc.(ICTSI) at Intergrated Pest Management (IPM) sa Parola Comp., Tondo, Manila.

Hindi na raw makayanan ng mga residente sa nasabing compound ang nakasusulasok na amoy ng mga itinambak na basura ng mga kumpanyang ito.

Basahin natin ang nilalaman ng kanilang reklamo:

Sir Johnny, magandang umaga. Pakikalampag ninyo uli itong mga tagahakot ng basura dito sa Parola Compound. Punom-puno na ng tone-toneladang basura ang lugar namin dahil ilang linggo na rin walang naghahakot. Ito namang IPM at ICSI ay dito nagtatapon ng kanilang mga basura.

Ang matindi pa rito ay mabibilis pang magsipagtapon dito ng kanilang mga bulok na basura at hindi naman nila kayang ipahakot sa mga basurero.

Ang masakit pa nagtuturuan pa ang dalawang kompanyang ito kung sino sa kanila ang magpapahakot sa mga basurero.

Paano naman kaming mga residente dito, Sir Johnny? Lagi na lamang bang lalanghapin namin ang baho ng kanilang basura?

Papaano na ang mga anak namin na halos nagkakasakit na sanhi ng mga naamoy na demonyong bantot ng basura nila.

Kung tutuusin, Sir, hindi namin ito basura kundi galing ito sa kanilang mga itinatapon.

Ang dami nilang pera pero hindi nila kayang magpahakot kaya sa Parola lang nila itinatambak.

Sana, Sir Johnny, makarating ito sa kaalaman ng aming butihing Mayor Erap Estrada.

Salamat po.

TALAMAK NA BOOKIES SA 1ST AT 2ND DIST., LAGUNA

Namamayagpag rin ang bookies ng STL nitong sina Dante Alvarez at Nato Opeña sa 1st at 2nd District ng Laguna.

Hindi kumikilos si Gov. Ramir Hernandez para ipatigil ang operasyon ng bookies ng mag-partner na Alvarez at Opeña.

Wala ring aksyong ginagawa si Laguna chief of police Supt. Florendo Saligao laban sa talamak na bookies sa kanyang nasasakupan.

Magkano ba? He…he…he.

o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>