Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KUNG SAANG LUGAR KA NAPULOT

$
0
0

GUSTO kong batiin si Sen. Grace Poe tungkol sa desisyon at deklarasyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na pabor sa kanya.

Sabi nga ng mga supporter ng Senadora, naka-one point na sila.

Natuwa ako dahil sa lahat ng isyu na may kinalaman o may kasangkot na bata, lagi akong panig para sa ikabubuti o pabor sa bata.

Para sa akin at ayon sa interpretasyon ko sa batas, kung saang lugar napulot ang isang paslit, ay ang lugar na iyon ang itinuturing na kanyang pinagmulan o kung saan siya ipinanganak. Kung saan napulot, ang presumption ay taga-roon ang sanggol.

Kaya para sa akin ay madaling matanggap na natural-born citizen si Grace Poe dahil dito siya sa Pilipinas napulot.

Ang nais kong igiit naman dito ay hindi dapat maging handlang ang isyung ito para ang isang bata tulad ni Grace Poe ay magkaroon ng pagkakataon para umunlad, maging doktor halimbawa, maging abogado, o maging president.

Hindi isyu ang pagiging foundling ng Senadora. Kung may nais patunayan o may duda ang ilan tungkol sa qualification in Grace Poe para maging pangulo hindi dapat kasali ang isyu ng kanyang pagiging isang pulot, marami pang ibang isyu kung tutuusin.

Pero hindi dapat gawing political issue ang pagiging foundling o pagiging ampon. At hindi rin dapat gamitin ito ng kampo ng senadora para maawa sa kanya ang mga tao at pumabor naman sa kanila.

Sa ganang kay Ginoong Rizalito David naman, sa aking palagay ay dahil nagsalita na ang SET ay dapat tumigil na rin sya at ipaubaya na lang sa iba pang nag-file ng disqualification case against Poe ang kung anoman ang nais nilang patunayan pa.

Dahil na-declare na nuisance candidate si David ay ‘di hamak na mas may kredibilidad pa tuloy ang iba pang nag-file ng kaso laban kay Grace Poe.

Gumugulo talaga ang kahit anong ligal na issue kapag sinawsawan ng pulitika. Gaya nga ng inaasahan, dedesisyunan pa siguro ng Supreme Court ang issue ni Senator Poe, at ngayong tapos na ang desisyon ng SET ay malalaman na natin ang iba pang resulta ng iba pang pagdinig tungkol dito, sabi nga ng isang mambabatas ay umpisa pa lang ito.

o0o
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com o kaya’y mag-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection