Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALANG BAKASYON; TULOY ANG KOLEKSYON

$
0
0

pakurotTALAGA namang pinabibilib ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon hindi lang si Pangulong Benigno Aquino III kundi, higit sa lahat, ang mga mamamayang Filipino dahil hindi niya iniinda ang darating na “Mahal na Araw” na dapat sana ay bakasyon grande muna ngunit tuloy-tuloy na trabaho ang inuuna niya at ng kanyang mga tauhan.

Akala ng mga smuggler ay hapi-hapi muna ang mga taga-Aduana subalit nagkamali sila dahil walang humpay na pagsalakay ang ginagawa ng mga ito kung kaya’t nakumpiska ang libo-libong sako ng imported na sibuyas mula sa Marcelo Cold Storage sa North Bay Boulevard sa Navotas.

Walang mga dokumento ang mga nasabing produkto kaya malamang ay ipinuslit ang mga ito na dahilan ng pagkalugi naman ng mga kababayan nating magsasaka.

Talagang malaki ang epekto sa mga magsasaka ng mga produktong agrikultura na inaangkat sa ibang bansa kaya naman dahil sa pagmamahal ni Biazon sa mga umaasa
sa pagsasaka ay kanya itong binibigyan ng proteksyon.

Hindi lang mga produkto kundi maging ang mga container van na naglalaman ng 3,598 package ng aluminium window frame, boxes ng mga gamot at iba’t ibang health products. Ang consignees ng mga produktong nakumpiska ay ang Chariot Enterprises, BWI Health and Sciences, Inc at. Honkawa Sangyo Phils.

Talaga nga namang ibang klase ang pamumuno ni Biazon sa BOC na ngayon ay unti-unti nang nakukuha ang tiwala ng mga mamamayan.

oOo

Malapit nang magretiro si Supt. Virgilio Fabian, hepe ng Quezon City Police District-Novaliches Station, kaya, ayon sa kanyang mga tao, nais nitong mag-ipon ng malaki bago man lang umalis sa serbisyo.

Kaya naman ang kinuha umano nitong kolektor ay si PO3 Jing Acenas na ngayon ay naka-assign sa Region 9.

Dating kolektor na rin ng Station 4 si Acenas at ito ang humahawak ng koleksyon sa jueteng, perya, sakla, lotteng, tupada, videokarera, night clubs at maging ang mga pirated DVD at mga pokpok na nagkalat sa kalye malapit sa istasyon.

Teka muna, PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima, bakit naman ang kolektor ng Novaliches Police ay nakaassign sa Zamboanga?

Kung ito ang kolektor, ibig sabihin, hindi ito pumapasok o nagre-report sa kanyang kasalukuyang assignment.

Aba’y baka madamay si Fabian at hindi siya makapagretiro nang maayos kapag naasunto itong si Acenas.

oOo

Apat ang matitikas na kandidato upang pumalit kay Chief Supt. Alejandro Gutierrez, Manila Police District director, magreretiro sa Abril 5, ang pawang nag-aabang.

Ito ay sina Chief Supt. Isagani Genabe Jr., PMA Class 1983; Sr. Supt. Ronald Estilles, PMA Class 84; Chief Supt. Fidel Posadas, PNPA Class ’83 at Sr. Supt. Robert Po, PNPA Class ’85.

Pawang may kanya-kanyang katangian ang mga nasabing opisyal na posibleng magdala sa kanila sa puwesto subalit sa kamay pa rin ng pamunuan ng lokal na pamahalaan nakasalalay ang kanilang tagumpay.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>