Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG GINAWA NG DIYOS PARA SA IYO

$
0
0

intonISA sa isyu ngayong halalan ay ang pagtaas ng kilay ng ilan sa mga religious personalities daw na nag-eendorso ng mga kandidato.

May separation daw ng Church and State kaya hindi sinasang-ayunan ito ng marami.

Kaya ang mga pari na maingay kung magpahayag ng saloobin tungkol sa mga isyu ng pamayanan at pamahalaan ay pinagbibintangan na namumulitika at madalas na mabatikos.

Pero iba ang pananaw ni Pastor Reuben Abante ng Lighthouse Bible Baptist Church sa Tatalon sa Quezon City.

Ang pahayag ni Pastor Abante, magiging abala raw siya at openly na mangangampanya ngayong halalan.

Maganda ito para sa mga susuportahan ni Pastor Abante dahil sa magandang reputasyon niya.

Matibay ang katwiran ni Pastor Abante.

Para sa kanya, ang mga may mabuting puso ay dapat na aktibong mangampanya para sa kapakanan at kabutihan ng nakararami.

Dagdag pa niya na habang naghahanda tayo para sa walang hanggang buhay ng kaginhawaan sa langit, dapat lang na magsikap tayo bilang mga mabuting mamamayan na makatulong na maiayos ang buhay sa mundo habang tayo ay nasa lupa pa.

Kung hindi mangangampanya ang mabubuti ay parang mapababayaan lang natin ang mga masasamang loob at may di-malinis na budhi na gawin ang gusto nila nang walang kumokontra.

Ipinagdiriwang ng Lighthouse Bible Baptist Church ang kanilang ika-37 anibersaryo kaya espesyal din ang pahayag ni Pastor Abante.

Isang mensahe at paalala na rin ang kanyang ipinaabot – na sana ay hindi natin malimutan at muli ay mabigyang halaga ang mga maga-gandang bagay na kaloob ng Diyos sa ating lahat.

Sa ano mang panahon bigyang diin natin ang mga ginawa ng Diyos para sa bawat isa sa atin.

Magpasalamat at magbigay pugay tayo sa kapangyarihan ng Maykapal at huwag mangimi na ibahagi ang lahat ng grasya na ating natanggap.

Ang bukas pusong pagpapa-hayag ng ating mabubuting saloobin at mga pangarap ay isang paraan ng pagkilala sa mga magagandang bagay na ginawa ng Diyos para sa ating lahat.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>