SA wakas ibinasura na ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang disqualification case na isinampa ng laging talunang kandidatong si Rizalito David kay Sen. Grace Poe.
Sa botong 5-4, nagpasya ang SET na ibasura ang kaso at saka idineklarang natural born citizen ang senador.
Ang mga bumoto para madisqualify bilang senador si Poe ay sina Justice Antonio Carpio (siyempre alam na natin kung kanino nakakiling ito), Justice Teresita De Castro, Justice Arturo Brion at Sen. Nancy Binay (siyempre mahigpit na katunggali ng tatay niya ito).
Kasabay ng pagkapanalo ni Sen. Poe ay nagpasalamat siya sa pagiging patas ng SET.
Ang naging desisyon ng SET, ay isang malakas daw na mensahe na bahagi ng pandaigdigang komunidad na may paggalang sa pandaigdigang batas ang Pilipinas, ani ni Poe.
Dagdag pa niya, ang importante raw rito, ang pagpapatibay nila sa kanyang ‘natural-born status’ ay nagsusulong din sa karapatan ng lahat ng mga ‘pulot’ na tulad niya na kilalanin at proteksyunan bilang mga ganap na mamamayan ng ating bansa.
Bukod pa roon ay nagpasalamat din si Sen. Grace sa kapwa niya Filipino sa patuloy na pagtitiwala nila sa kanya.
Nanguna na naman si Sen. Poe sa ipinalabas na survey ng Pulse Asia.
BUWITRE NG EPD SI HEPE ANG GAMIT
Sino itong PO3 Virgilio na gumagamit ng alyas Dyango habang umiikot daw sa Marikina at ginagamit ang pangalan ni Marikina chief-of-police Supt. Vincent Calanoga sa pangongotong sa mga iligal na pasugalan at iba pang vices?
Ang lupet na mangotong itong si Dyango dahil wala siyang pakundangan kung mangotong.
Basta ang idinadahilan niya ay siya ang ginagamit ni Col. Calanoga sa pangongotong sa mga sugalan at iba pa.
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA