Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI PA TAPOS ANG LABAN

$
0
0

WAGI ang anak ni Pinoy movie action king Fernando Poe, Jr. na si Presidential Candidate Sen. Grace Poe sa Senate Electoral Tribunal o SET.

Pero ika nga ng kanyang tumayong ama na si FPJ… hindi pa tapos ang laban. Tiyak na gugulong patungong Korte Suprema na siyang pinal na magbibigay ng desisyon sa kasong ito.

Kamuntik pang madisgrasya itong si Sen. Gracia este, Grace [pala] sa botong lima kontra apat. Sa apat na kumontra ay tatlo rito ay kinatawan ng Korte Surprema sa SET.

Ibig-sabihin, sila itong mga Associate Justice ng Korte Suprema habang himalang napabilang sa kanila ang anak ng isa pang Presidential bet na si VP Jejomar Binay.

Subalit kung ako ang tatanungin ay sablay talaga itong si Grace. Hindi sa usapin ng Natural o Naturalized Citizen kundi sa isyu ng Residency o ang bilang ng taon ng kanyang paninirahan sa bansa.

Kulang talaga kahit saan mo ito tingnan! At kahit anong kwenta pa ang gawin ay kulang talaga sa araw o buwan itong si Sen. Grace batay sa isinasaad ng batas bilang isa sa mga rekisitos.

Ewan ko ba kung anong nangyari sa limang bomoto na pabor kay Grace. Hindi ko alam kung anong kwenta ang ginamit nila para bomoto silang pabor sa naturang kaso.

Sa palagay ko’y kuwentang konstabularyo ang ginawa ng limang iyon o kaya’y kwentang taga-batangas o ‘batang ungas’ ang ipinatupad ng mga kulas na iyon.

‘Di bale, taumbayan! Tiyak na pagsampa ng kasong ito sa Korte Suprema ay tiyak na may kalalagyan na itong si Sen. Grace dahil pulos Hustisya na ang didinig at babasa sa kasong ito tulad ng tatlong Hustisya na kabilang sa SET.

Ang totoo niyan e, wala naman akong masamang tinapay kay Sen. Grace. Ito’y batay lamang sa payak na kuwentahan sa usapin ng tagal ng kanyang inilagi sa ating bansa. Sablay talaga, Bok!

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit, tulad ng kanyang amang si FPJ na matagal nang nanirahan sa bansa, hindi pa yata ako ipinanganak ay narito na siya sa Pinas, katakot-takot na pelikula na ang ginawa at naging hari pa ng pelikula… pero nang pumasok na sa pulitika ay hindi raw siya tunay na Pinoy.

Si Sen.Grace Poe na kilalang anak nina FPJ at ni Tita Susan Roces, naging hepe ng MTRCB, nanalo bilang Senador ng bansa… pero ngayon ay hindi raw siya kwalipikado para maging Pangulo ng Pinas. Anak ng…

***
Para sa komento o suhestiyon: eksperto71@gmail.com EKSPERTO/JOIE O. SINOCRUZ, Ph.D.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>