Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ONE MOMENT IN TIME

$
0
0

MINSANG naging theme song sa Olympics ang kantang One Moment in Time.

Maiintindihan naman natin siguro ang relevance ng kanta para sa pinakamahalagang pandaigdigang kumpetisyon sa larangan ng sports.

Pwedeng ang kanta ay patungkol sa isang pagkakataon na ibinibigay sa isang atleta para makasungkit ng ginto o ng kahit anong medalya sa Olympics, isang pagkakataon na makapagbabago sa buhay nito at makapagbibigay ng napakalaking karangalan para sa kanyang bansa.

Isang chance na minsan lang dumating, isang chance na dapat panghawakan.

Minsan lang, isang iglap.

Pwede ring i-apply sa pulitika sa ating bansa ang mensahe ng kanta.
Ang sistema ng pulitika sa Pilipinas, parang One Moment in Time. Ang tawag ng iba rito destiny.

Hindi nga ba nila sinasabi na maraming magagaling pero hindi naman nananalo, maraming karapat-dapat hindi naman ibinoboto.

Maraming kandidato na hinuhulaan na magiging mataas na lider kasi bagay o dapat lang pero hindi nangyayari.

Kasi nga One Moment in Time, minsan ka lang iboboto. Hindi naman masabi na matagal pinaghahandaan ng mga botante kung sino ang pipiliin nilang kandidato.

Minsan nga wala sa plano. Parang ‘yung isang pagkakataon na pupunta sila sa presinto at doon lamang sila magdedesisyonan kung sino ang iboboto.

Lalo sa puwesto ng Pangulo at Pangalawang Pangulo.

Nasa kasaysayan na ng pulitika natin ang mga wala sa plano tulad si Cory Aquino na naging Pangulo nang mamatay si Ninoy.

Si Gloria Arroyo naging Pangulo nang mapatalsik si Joseph Estrada. Si PNoy naging Pangulo nang mamatay si Cory.

Kaya sabi ng mga political analyst, malayo pa ang eleksyon para sa 2016 marami pang pwedeng mangyari at mga hindi pwedeng mangyari.

Hihintayin na muna natin ‘yung One Moment in Time kapag hawak na ng mga botante ang kanilang balota.

‘Yung One Moment in Time kapag nakapanumpa na ang mga nanalo at nahalal. At ‘yung wala na ngang mga hindi inaasahang pangyayari, o wala sa plano, na maaaring makapagpabago sa kasalukuyang takbo ng pulitika patungo sa halalan sa mayo 2016.

***
Mag-email ng reaksyon sa ariel.inton@gmail.com o kaya’y magp-text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/LTFRB COMM. ARIEL ENRILE-INTON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Broken Heart Quotes


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>