Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DUTERTE, CHOICE NG MGA FILIPINO

$
0
0

DAHIL sa pagpayag ni Davao City Mayor Digong Duterte na lumahok na sa pampanguluhang labanan sa 2016 ay nabigyan na nang matinong choice o pagpipilian ang taumbayan.

Kitang-kita na sangkatutak ang nagdiwang at nagsaya sa pagpayag ni Duterte na lumaban at dahil dito nagkaroon ang nakararaming Filipino ng panibagong sigla upang lumahok sa halalan.

Malinaw na noong tumanggi si Digong na lumaban sa panguluhan ay marami na ang nadismaya dahil malinaw na nakikita nila na ang mayor ng Davao ang makasasagot sa problema ng bansa.

Sa ipinakita kasi ni Duterte sa Davao, isa sa pinakamalaking siyudad sa mundo, ay napatino niya ang naturang lugar kasabay ang pag-unlad nito.

Nasaksihan ng bansa ang “political will” ni Duterte nang patahimikin niya ang Davao at ipinakita niya ito hindi lamang sa salita kung hindi lalo na sa gawa.

Nasabi nating nabigyan ng tamang choice ang mga Pinoy dahil ang tatlong nangungunang tumatakbo sa posisyon ng Pangulo ay halos lahat may batik ng pagiging trapo habang ang isa ay kuwestyunable ang pagiging Filipino nito.

Performance ang usapin sa 2016 at dito angat si Duterte dahil kahit hindi ganoon kalaki ang budget niya sa Davao ay napayabong niya ang ekonomiya nito at iyan ay dahil sa pagpupursigi niyang patinuin ang seguridad dito.

Tiyak na magsisimula nang banatan ng iba’t ibang kampo itong si Digong kaya manatili tayong matatag sa gagawin sa kanya ng mga attack dog ng tatlong kampo dahil sa totoo lang siya ang pinakamalakas na kandidato sa pagka-Pangulo.

Anim na buwang sakripisyo kay Digong at tiyak may kapalit ito dahil masisilayan na natin ang maunlad at mapayapang Pilipinas. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>